7/12/2009

bAlik OffiCe nA nAman AkO.

buti naman at ngayon tag-init dito sa lupang buhangin, balik opisina na naman ako.kaya eto at makakasama ko na naman ang mga batikan ART director dito. sina Ser Ding Bautista jr. at Dave Constantino.kaya ilag na naman ang mga ibang lahi kung performance level ang pag-uusapan.he he he(yabang ko noh),pano ba naman yan,eh sabi nga nila ang lakas naming tatlo katumbas ng tatlong libo!.oha oha!


Ser Ding Bautista Jr.

kung madalas kayong kumain sa McDonald's ,
makikita nyo ang mga karakter na gawa ni Ding.
batikan painter!Art director.san kapa!

Dave Constantino

Sa lawak ng kaalaman sa Advertising,
lawak ng kaalaman sa pag pinta
saang man dako ng Design dito
makikita nyo ang mga gawa ni Dave.
Art Director!
dibuho at pasimula ng Adhika Group.


Ako...:)
-----------------------------------------

nga pala sorry po sa mga kablog natin dyan
at di ako masyado nakakapasyal,busy kasi ako
sa katatapos lang nang pelikulang Transformers 2.
madalas kasi akong nasa red carpet ngayon.


7/03/2009

Top Influential Blogger



Sa taas ng nagbabaybay sa mundo ng blog area,napasabay ako at napadaan.maraming nakilala at nakisama,natutuo ako ng konti sa mundo ng pagtimpla ng makinilya( ay keyboard pala),hilaw pa ako sa blogesperya, hilig ko lang ang magbasa, tumingin ng mga literatura,kahulugan ng piktura,ng kultura,salaysay ng personal, ng politika...kahit anu mapabago mapaluma,kakatuwa,kakalungkot,kakaasar o kakabanas, basta laging smile lang ng smile, panalo!...basehan ko ito para matuto,makinig at makilala kayo.


ito yung mga bago kong kakilala dito (ewan ko lang kung kakilala nila ako.he he he)



kayo ang TOP10 NEW INFLUENTIAL BLOGGER KO.




http://www.writingtoexhale.com/


http://www.talesfromthemomside.com/


http://thestrugglingblogger.168center.com/


http://zorlone.blogspot.com/


http://kelvinonian.com/


http://palipasan.blogspot.com/

http://hisnameisdencios.wordpress.com/

http://lifelots.blogspot.com/

http://fatherblogger.com/

marami pa sana kaya lang they all started blogging last year.
kaya ito ang final list ko. update ko ulit pag may nadagdag.


ITO ANG LINK:


The Top 10 Emerging Influential Blogs for 2009 Writing Project


The Sponsors of this writing project:
Absolute Traders
My Brute Cheats
Business Summaries
Fitness Advantage Club
Events and Corporate Video
http://www.eventsatwork.com/
Dominguez Marketing Communications
Red Mobile
Blog4Reviews.com



ENJOY YOUR READING!!!
----------------------------------------------------------

6/29/2009

NaG-iiNiT Ka nABa?

dear pamatay,
magandang lalaki po ako!,ay! magandang araw pala.anu po ba ang pwedeng gawin kung madalas maginit ang katawan ko. di na tuloy ako masyadong makapagbarbel.
sobra ang init ngayon dito sa kuwait,mahangin nga pero mataas ang humid.kahit sumilong ka sa ilalalim ng puno,wa-epek parin.tamaan kapa ng sandstorm na bigla nalang dumarating..

tagasubaybay,
bradpit

p.s.
ito po ang picture ko sa ibaba.
medyo katawan pangromansa lang
ako ngayon,...nagtae kasi ako kahapon.


---------------------------------------------------------------------

dear bradpit,
(wtf) langya! nag-iinit kapa ng lagay na nyan!
di karin masyadong takot sa sandstorm noh?
ako nag-nagiinit na ulo ko...

nagpapasalamat,
pamatay homesex! este! homesick pala.

6/24/2009

wAla ng PrAkTiS


nung sinabi sakin ng prinsesa ko na nahihilig sya ngayon sa taekwondo. aba! at ngayon ko nalang ulit naisip na ang tagal ko na palang walang praktis.mula ng nag-abroad ako kulang na kulang nako sa ensayo,wala pang makaaway dito dahil puro tsinelas at sandalyas ang gamit na pamalo,ang siste pa kalaboso kulong at bayad ang abot mo pag nakadugo ka sa kaaway mo,kaya kahit gustong gusto mo na patulan di mo magawa,wala tayo sa lugar natin eh. di tulad sa pinas na mapadaan ka lang at makursunadahan, kailangan mo nang maghanda at siguradong mapapaaway ka,kasama narin dun yung praktis ko.(yabang noh.yaan nyona wala naman makakarinig).college day ko, naging barsiti ako ng school dahil ayoko mag ROTC kaya sumali ako sa LEKCI(Law Enforcer Karate Club Intl.)sumali narin ako sa ibat ibang tournament at minsan narin akong nakatulog dahil sa pag underestemate ko sa kalaban.eniwey! nakagamit ko rin ito bilang self defense nang maholdup ako sa recto..at ngayon nagpipilit na naman akong ibalik yung praktis,baka kasi pag uwi ko ng pinas, mas turuan pako ng prinsesa ko.


video

wala nako sa porma ng mapansin ko ang video.


video

wala narin yung bilis ko sa nunchako at ngayon

lang ako nalaglagan sa paggamit ko nito.


6/21/2009

sULaT kaY DaDi gWaPO


Hirap pala pag malayo ang dadi sayo,madalas mong maalala kung anong pinakamasaya na kasama mo ang dadi mo.paulit –ulit lang yun. Naalala ko nung dina makatulog si dadi isang araw bago ang pag alis nya papuntang Kuwait,kung ako ang tatanungin,ayaw kong umalis si dadi.nag wish nga ako na sana malaki nako,para nakita ako ni dadi na tumuntong sa entablado tuwing recognition sa eskwelahan, at makita nya ako na nakikipagtalumpati sa stage,ganun din ang kasiyahan ko kung andun sya tuwing lumalaban ako sa singing at beauty contest , at syempre masaya rin ako kung andun si dadi sa unang laban ko sa sm ng taekwondo.siguro di ako 2nd kung andun si dadi kasi magaling syang magturo at black belter din nung panahon ng nagaaral pa sya. At ang pinakaimportante sana nakasama ko ang dadi ko tuwing birthday ko.

Salamat na nga lang dahil may internet at celphone kaya nakakausap ko ang dadi ko. Pero naisip ko iba talaga pag kasama mo ang dadi,nasanay kasi ako na lagi niyang kinakarga at lagi rin akong isinasakay sa kanyang likod habang namamasyal kami. Kasama nya rin ako tuwing maglalakwatsa kami.tuwing manunuod ng sine,tuwing kakain sa Jollibee, at tuwing manunuod ng tv (tom and jerry )na palabas.
At ngayon hapi faders day!...gumagawa ulit ako ng card para ipadala sayo…yung picture natin ang ididikit ko …at syempre ikaw ang dadi gwapo ko.






eto dadi yung picture na madalas kitang makasama...4yrs old hangang 6ysr old pako nyan.ikaw yung mas kinakabahan kesa sakin tuwing sumasali ako sa mga school contest. at syempre ikaw ang taga kuha ko ng picture! pero alam ko malapit na ulit kitang maging stage dadi pag uwi mo..wiiiiipiiiiii!

HAPPY FATHERS DAY DADI negro!este! DADI GWAPO PALA! LABYU! LABYU!

6/20/2009

NetVision


naghahanap ako ng magagandang palabas sa tv pero wala akong mapanuod na type kong palabas,nagsawa na kasi ako sa mga bagong pelikula.gusto ko yung mga luma.mas natatawa kasi ako sa mga komedya nuong araw kesa ngayon. kaya naisipan kong magbukas at maghanap sa web. napadaan ako at napatingin dito sa webTV,Netvision, aba at nakita ko yung mga paborito kong pelikula, ang kagandahan pa nito,puro filipino movies ang mapapanuod mo,at saka yung PBA basketball mapapanuod mo rin...at teka yung viva hotbabes gone wild eh nakita ko rin, lumuwa nga yung mga mata ko.sangkapa,e di todits na....:)

6/10/2009

pAmbiHiRa




Tik,tik,tak,tak, kasabay ng tunog ng keyboard,sabay din nag-iisip ang diwa ko .bakit nga ba tinawag na bayani ang OFW(teka parang replay ah!)… di ako makasagot. Kulang ang espasyo na ito kung iisa-isahin ko lahat kung bakit!



Tama, bakit may BAKIT?. Bakit nga ba ako nandito nagtatrabaho sa Kuwait, ang hirap palang sagutin kung alam mo na ang sagot diba. Uu, opo at tama,ang dahilan wala akong mahanap na trabaho sa pinas. Sino ba ang ayaw na sa tuwing uuwi ka ng bahay may sasalubong sayo at ipaghahanda ka ng pagkain. Kahit na ang ulam mo ay ulam mo rin at baon kaninang tanghalian para makatipid kayo sa hapag kainan. Di ko ipagpapalit yun kahit sa anumang bagay. Ang problema lang kung wala na kayong maiinit na ulam sa hapunan diba. Yun ang ayaw mong mangyari at dina nating kayang antayin pa pag dumating ang araw nayun.



Tuwing bibili ako naghahanap ako ng mababang presyo, sa trabaho naman maghahanap ako ng sapat na sweldo..kung nagtapos ka ng pag-aaral kailangan naman din na gamitin mo ito para sa kinabukasan..arkitekto ang natapos ko pero draftsman ang trabaho ko sa pinas pero masaya ako at ipinagmamalaki ko yun,ibang lahi(chinese) rin ang amo ko sa Makati sa loob ng dalawang taon hanggang sa magsara ito. Pumasok ako sa food chain resto kahit di tugma sa pinag-aralan ko ok lang yun basta may sweldo,pumasok ako sa talyer taga maselya ng sasakyan, ok lang basta may sweldo, at pumasok din akong laborer,mason at karpentero,ok lang basta may sweldo. At sa maniwala kayo at sa hindi sa payat kong ito nagtrabaho ako bilang kargador sa palengke ng isda.naranasan ko lahat ng ito…at ang huling option ko gamitin ko naman ang pinag-aralan ko . kaya nag- apply ako ng trabaho bilang interior designer dito sa Kuwait.

Ah! Ngayon alam ko na kung bakit ako nandito sa ibang bansa.



Bakit sa PERA? Ito ba ang dahilan!. Gusto mong maayos ang buhay mo kailangan may puhunan ka..kailangan mong magtrabaho. Kung sa tingin nating kaya natin gawin ito sa pinas 100% sa pinas ako magtatrabaho. Para naman makabili ako ng tsokolate na kahit na saan gawa o kahit chok nut na hanggang ngayon paborito ng anak ko.



Konti sarap at mahirap,na sa ganitong pagkakataon kailangan mong magsikap at magtrabaho sa ibang bansa..gagawin nating lahat para sa pamilya at gagawin din natin lahat ng kakayanan para di mapahiya ang ating bansa.



Bakit iiwan. Hindi kayang iwanan ang sariling kinalakihan,walang naghahangad na mapalayo sa pamilya.(palagay ko ito ang sagot sa unahan).Naniniwala ako na may pag-asa ang pinas, aba maraming likas na yaman di tayo maghihirap. Magandang pakinggan masarap namnamin..pero sa totoo kailangan natin magdesisiyon kung saan pwede.pinagmamalaki ko ang pinas, di porket nagtatrabaho ang isang pinoy sa ibang bansa tinakwil na nila ito,di pang habang buhay ang trabaho sa ibang bansa. Gaya din ng trabaho sa pinas o ng kahit saan.



sa bandang huli...para sakin tinuturing kong PAMBIHIRANG BAYANI ANG PINOY!



5/28/2009

KaUsaP kO aNg DaGaT


Hangin ako at di nakikita pero nararamdan.napadpad sa kung saan saan, sa lawak ng isip at sang katauhan. Di man ako pansin ng sinuman pero madalas akong kasama sa iyong buhay.

Pareho lang pala kami ng dagat na walang katapusan!

Tinititigan ko siya…kinakausap…ang kalawakan nya ang magpapaliwanag kung bakit malawak rin ang buhay. Hindi nasusukat . Malalim!


Hinihiling ko na sana isama nya na sa alon ang luha ko. Isabay sa pag gulong at ihampas sa dalampasigan. Sa ganung pagkakataon at paraan walang makaka-alam ng aking lungkot . Magulo ang aking Mundo . Nakatayo ako sa isang sulok na puno ng pagmamahal ngunit nakatago . May hanganan, may limitasyon na sa kabila ng kasiyahan naruon ang paghuhusga. Maskit ganun pala pag totoo.


Hinihiling ko na sana pumikit muna sandali at mamulat nalang muli at makita ang buhay na gusto ko. Mabuhay ng tama, tumayo sa gitna ng mapaghusgang daigdig at ipaunawa na hindi lahat ng nasa tama ay masaya.


Sa kabilang bahagi ,ipinapaliwanag ng dagat na may dahilan ang lahat at tinuturo nya na bigyan pansin ang positibong bagay,gaya ng alon na patuloy lang at walang tigil. Maingay ngunit musika ito sa taong nakakarinig,malalim at malawak ngunit pwedeng languyin,may banta ng panganib pero maaaring lampasan ng sinuman. Ang buhay may dahilan rin.patuloy rin lang ito. Hihinto sa takdang panahon.


Hindi ako bibitaw. Gusto ko pang magpatuloy na maging malawak at masaya, maging musika rin sa iba. Gusto ko maging tulad ng alon. Gusto ko makita rin ako tulad ng kalawakan ng dagat. Makita ako sa totoong ako.


Hangin akong lalangoy sa dagat. Maglalakad ako sa buhanginan. Ibibigay ko ang lahat ng laman ng isip ko at hahayaang lumutang sa karagatan.


“Hangin ako! kausap ko ang dagat .kausap ko ang sarili ko.kausap ko ang mundo.”

5/10/2009

PaNalo!

Pag ganitong mahirap ang trabaho,mawawala ang pagod mo..lalo na pag nakikita mong gumagwapo ako,este! gumaganda at pinapalitan ng beybi ko ang paghihirap ko dito sa abroad.Pagdating sa ganitong pagkakataon nakakabawas ito ng lungkot lalo na kung alam mo na nasusubaybayan natin ang kinabukasan ng ating anak…bakit ba Masaya ako lagi lagi…dahil sapagkat datatpuwat! Top 1 na naman ang beybi prinsesa ko sa kanilang klase..ngayon ko lang ito napublish kasi talagang kayod kalabaw ako ngayon.pero ang lahat ng pagod na iyon gaya ng nasabi ko ,napapalitan ito ng lubos na tuwa saya at galak…buti hindi nagmana sakin..he he he.:)



"sarap maging PANALO! ang dadi!"


---------------------------------------------------------------------------


ito naman ang request nya:

ang makasakay ng eroplano at makapasyal sa disney land!






------------------------------------------------------------------


sa bahay,kani-kanina lang!
ang laki na ng prinsesa ko!

5/03/2009

dear PaMAtAy

dear pamatay homesik,

musta ka na! san ka ba ngayon at di na kita nakikita dito,alam mo ba, na madalas kong basahin ang blog mo.madalas din na nauutot ako sakakatawa dahil sa mga walang kakwenta-kwenta mong pinagagawa...teka , kaya pala ako sumulat sayo,..naalala ko lang...napadaan ako sa site ng Kablogs! at hanep ang mga tema.balita ko nga na sa nagdaan PEBA ay marami ang natuwa at nakibahagi sa palatuntunan na ito,at take note! mukhang mas at isa pang mas ,isa pa ulit na mas pinaghahadaan ito ng mga bumubuo ngayon para magbigay ng isang karangalan sa mga OFW/EXPAT na nagbibigay pag-asa sa ating nasyon!sa pagbubukas muli ng PEBA 2009.di lang pampamilya pang worldwide pa...kaya ito ako ngayon at di mapigilan ang saya tuwa at galak sa pagbabasa ng mga ilang sa mga bloggers world nato.kinalimutan ko na nga frendship ko sa friendster at nag ship nako dito sa blog...


ay tenk u!

napadaan lang,
PBA

-------------------------------------------------------------------

dear PBA,

ito lang po ang masasabi ko:

"isa itong pag-asa at isang pakikipagbahagi,pagbibigay,at mensahe ng isang talentong pinoy!"

salamat!
pamatay homesik


p.s.
langya ka baka sabihin kung anung PBA toh,ah,
PBA(Phillipine Bago Ako)

4/18/2009

PINOY EXPAT/OFW 2009 BLOG AWARDS

badge making contest for 2009 pinoy expat/ofw blog awards.

click this for details:

http://pinoyblogawards.blogspot.com/2009/04/peba-bannerbadge-making-contest.html

4/16/2009

P A J A Y

di ko kilala ang blog nato..minsan lang akong naging interesado.halo halo at kwela ang nabasa ko may kultura at drama rin sa espasyo,simple ang pagkakapasok at simple rin ang intro. sampu ang puntos nito.

palagay ko kilala nyo nato. SI PAJAY ang tinutukoy ko!

4/12/2009

di ako TaKot sa mUmo!


sa lahat ng bagay madalas akong magbalanse nuon,kahit alam kong kaya ko di ko ginagawa,kuntento nako sa mga nakakagawian ko,takot ako sa MUMO.mumo ang tawag ko sa FAILURE(tama ba spell?.he he he) ,gagawin ko palang parang hinihila nako ng sarili ko na wag na,baka mapahiya lang ako,saka nalang pag hinog nako,hanggang sa di ko na sya magagawa.


pero minsan di pala mahirap ang sumubok,kasama pala ito sa tagumpay kung anong gusto mo o kung saan ka lalakas at titibay,hanggang sa natutunan ko paunti-unti na lumakas ang loob ko.di pala mahirap, may mga basehan pala na matututunan ka at pag ginawa mo na ulit kayang kaya mo na.ito pala ang sinasabi ng tatay ko nuon na experience ang kailangan.paano mo malalaman kung hindi mo susubukan.


dito ko nakita ang katatagan ng aking ama nuon,walo kaming magkakapatid at ako ang bunso.karpentero ang tatay ko pero maayos ang buhay namin,dahil narin sa tulong ni nanay na ilaw ng aming tahanan,kahit hirap sa pagpapalaki samin si tatay lahat kaya nyang subukan.isang bagay ang hindi ko malimutan nuon,narinig ko habang nag-uusap sila ni nanay,(bakit pawis na pawis ka saka bakit sumakit na naman ang tuhod mo?) sagot ni tatay ng marahan,"Nag-lakad kasi ako pauwi,sakto pa naman ang pera ko pamasahe kaya lang wala akong pasalubong kaya naisipan kong maglakad nalang para mabili ko sila ng lansones,paburito kasi ni boyet yun."


naalala ko ang lahat ng ito tuwing papalapit na ang kaarawan ni tatay,para sayo tay ang lahat ng ito,kahit maaga kang nawala,iniwan mo sa amin ang yaman ng iyong pagmamahal.


nuon paman di ko na makalimutan ang pangyayaring yun...yun, ang simula kung bakit ngayon di na ako takot sa MUMO...


ngayon madalas nila akong tanungin,pano mo ba nagagawa yan? kinakabahan kaba?


ang sagot ko HINDI!...lahat naman tayo nabibigo.bakit di ko susubukan!

4/08/2009

.....:)


code name: boyet
nick name: ever
full name: everlito villacruz

"may you have all blessed and meaningful lenten season!"

4/04/2009

ang ApAt na SuLoK Ng kWaRtO

Kwarto lugar ng pahingahan,dito ka nagpapalipas at nagiipon ng lakas para matulog at gumising, dito rin natatapos ang araw at panibagong bukas,marami kang bagay na magagawa.sa buong maghapon o aabot pa ng gabi ang trabaho mo,ang kwarto ang pinakamabisang paraan para magkaron ka ng lakas kinabukasan,kaya importante samin ang kwarto lalo na kung nagtatrabaho ka sa ibang lugar o bansa.sa kwarto iikot ang mundo mo,minsan dito ka nagpapalipas ng lungkot,ng saya,at nag-iisip ng mga pangarap...

ito naman ang kwarto ko!..
dito ko pinapalipas ang buong
gabi at nakakatulugan ko lagi
ang panunuod ng tv!

teka anu-anu ba ang iba pang ginagawa sa kwarto!,madalas akong mag ja(toot toot) jaging dito at mag exercise.dito ko rin ginagawa ang iba ko pang trabaho.dito kasi sa lupang buhangin walang space sa labas ng kwarto at dahil sama-sama kayo sa isang flat,ang kwarto lang talaga ang magiging pribate!este!,private place mo para makapagrelax ka.kaya importante sakin ang kwarto .sabi nga ni dave dito makikita ang iyong personalidad!
si dave habang natutulog sa
kanyang kwarto!

(melvin,dave,marcial at ako! ang
kumukuha ng picture.he he he)
ang kwarto rin ni dave ang madalas
naming tambayan at dito rin kami
madalas mag-inuman...ng tea!

3/17/2009

yakap

naglalakad ako kahapon,may nakita akong dalawang magkasama at medyo nagtatalo,kung bakit daw sampung porsyento lang ang tubo ng kanilang negosyo,tapos sa bandang kanan ko naman may galit sa mga tumatawid dahil hindi makadaan yung hammer nyang sasakyan...

ang kwento ng buhay talagang walang kakontentuhan..naiinis ang may ari ng sasakyan dahil na abala ang hammer nya,nagtatalo ang dalawang may negosyo dahil sampung porsyento lang ang kita,nagmamadali rin yung mga tumatawid dahil inis na inis dahil naglalakad sila,galit din yung may saklay dahil ang bagal nyang maglakad...pero di nila napansin yung isang bata na walang paa at nakangiti at sarap na sarap sa pagkain ng kubus(tinapay) at di alintana yung init-usok-at ingay ng kapaligiran...

aaminin ko ganito rin ako minsan,laging may kulang laging may angal...tignan mo nga naman ang buhay!...

pero dahil dito,iniisip ko na swerte parin tayo at binigyan tayo ng ganitong buhay,oo meron darating na problema at minsan sisimulan nating magtanong sa KANYA ng bakit?,pero naniniwala ako na may dahilan ang bawat pagkakataon,at dun nating kailangan mas mabuhay at lumaban,habang may hininga at may bukas sa tingin ko may pag-asa..dyan tayo papasok,kayo na sa mga pangyayaring handang magbukas ng buong kamay para yumakap at magbigay ng panalangin at lakas...isang halimbawa rin ang binigay nyong suporta para kay yanah!

3/07/2009

kEnGkoY

Di pa tapos ang project may panibagong project na naman, ang hirap talaga pag ikaw lang ang gwapo dito.(ehem ehem)..hirap pa nito bawal na ang mag yosi sa loob ng opisina.pero pasundot sundot parin at minsan pag tinutopak pinapangalandakan ko pa ang pagsindi sa loob at hithit buga habang dumadaan sa HR department.anung magagawa nila kung importante sakin ang bawat segundo ng trabaho ko,kung aalis pako sa upuan ko para magyosi mauubos ang araw ko.

Hinihintay ko nalang na may sumita sakin, kaya lang wala talaga.

Kaya syempre di masarap ang bawal pag walang pumipigil sayo.di ba Abou!,kaya eto ako ngayon nasa labas nagyoyosi,wala tuloy akong maburaot sa taas ng opisina.

Habang nagyoyosi sa labas nakita ko ang isang ito na naglalakad sa gitna ng kalsada,ewan ko kung anu ang dala,kung hindi ba naman saksakan ng ewan muntik nang masagasaan.

Dito lang talaga ako nakakita ng balistad ang tak-u!.dinaig si Sharon Cuneta sa pelikulang pasan ko ang daigdig!

Hay! buhay kengkoy ang araw ko ngayon,minsan malungkot minsan masaya,minsan may drama,may action,may horror din at syempre komedya…buti nalang at may nagbabasa nito kahit wala wenta.he he he…teka akyat muna ako sa office at dun naman ulit ako magyoyosi…wala silang magagawa kung tigas ti..este! tigas ng ulo ko…


Patigasan ng ulo!

Tinawag ang Hapon- tatalon sa 10th floor building una ulo..pag bagsak nagtimpla pa ng kape!

Clap clap clap,palakpakan ang nanunuod!

Tinawag ang Americano-tatalon sa 20th floor building una ulo…pag bagsak sumayaw pa at nag break dance at head spin!

Bravo! Bravo! Mas malakas at maraming palakpak!

Tinawag si kabayan-nasa unang palapag palang ng building ayaw nang umakyat.
Tinawag ulit..ayaw parin…tumalon,pinakiusapan na,ayaw talaga tumalon! ilang oras na nakalipas.ayaw parin…

Mabuhay! Ang galing! fantastico! Sigawan ang mga tao!

Panalo si kabayan ang tigas ng ulo!

2/21/2009

BuHanginG bAgYo na nAman!

video


Extreme talaga ang klima dito sa Kuwait ,ang ganda ganda ng araw pag alis ko papuntang opisina,dina masyadong malamig kaya di nako nagdala ng makapal na jacket.nasa kalagitnaan ako ng byahe ng sumalubong ang sandstorm,malamang tatagal na naman ito ng ilang araw.kung nung una medyo manghang mangha ako sa ganito,sa isip ko makakapagpatayo ako ng bahay ng di na bumibili ng buhangin,special delivery galing sa hangin.kaya lang ng madalas ko nang maranasan medyo nababanas nako,unang una lumalagkit ang katawan ko at ang aking long hair napupuno ng buhangin lalo na ngayong madalas akong nasa site,di ko na nga matanggal ang balakubak ko kahit na panay ang gugu ko at pinapatakan ko ng lemon,lemon dahil walang kalamansi dito(susyalen ini!),tapos di pako makahinga sa sobrang dami ng kulangot ko.pero ika nga nila wala sa pinas nito,kung satin bumabagyo ng ulan dito bumabagyo ng buhangin.
Bago at pagkatapos ng sandstorm asahan nyo magpapalit na ng klima kinabukasan,patapos na ang taglamig,papasok na naman ang tag-init…waaaaaaah,din a naman ako makakapagdya(toot! Toot!)dyaging.


buti naman at paakyat nako sa building bago ako
naabutan ng sandstorm.ayun oh!,di na makita yung
katabing building.


2/12/2009

ToOt! tOoT!

Mabilis ang takbo ng panahon,kung dati hirap ako sa init at lamig ng panahon dito sa lupang buhangin, ngayon panis na sakin ang lahat ng ito.ngayong malamig, ginagawa ko pa nga binubuksan ko ang aircon,di narin ako gumagamit ng heater sa pag ligo ko,advantage pa nga kasi, mabilis akong natatapos .
Iisipin ko lang na wala sa pinas nito kaya ninanamnam ko ang lamig,ganun parin naman eh di parin nababawasan ang pag-dya(toot! Toot!) sa gabi, lalo pa ngang masarap dahil pagpapawisan ako at mailalabas ko ito, na naiipon tuwing taginit dito…hay sarap talagang gawin ito pag malamig,nakakarelax ng nanlalamig na katawan..sandali at makapag dyaging nga ulit parang bitin ako kanina eh.


Isang JEEP ang nadaanan ko na naka display habang nagdya-dyaging ako malapit sa Kuwait city!
May nakasalubong din akong kabayan natin na pinagtatawanan ako dahil gusto kong sakyan yung jeep.(MA at PA).malay ko sayo at paki-alam mo. sa trip kong kuhanan ito.narinig ko pa nga na baduy daw ako at ignorante.pero sila, nakita ko na nagpicture picture sa tabi ng Ferrari,para ano?.ito ang nagiging problema minsan ng mga kabayan natin nakakalimutan kung saan din tayo galing. Although nakasakay nako sa Ferrari! sila nga picture lang eh.(yan tuloy nagyabang nako).


mas gusto ko pang sumakay sa jeep na natuwa ako dahil na appreciate ng ibang lahi sa simpleng bagay ang kultura nating Pilipino.

2/05/2009

buhay OFW!

nabasa ko ang post ni blogusvox (ang OFW ay tao rin).maraming karanasan ang mga OFW na kung iisipin di mararanasan kung di tayo nagtatrabaho sa ibang bansa.

ito ang ilang bagay na naranasan ko dito sa kuwait na hindi ko makakalimutan:

1.natiis ko ang baho ng katabi ko sa service.
2.kung dati mapili ako sa pagkain,di na ngayon!.naranasan kong kumain ng tinapay na itatapon ko na sana.
3.natuto akong maglakad pag walang service dahil kulang ang pamasahe ko.
4.puro diet ako,dahil sa gabi lang ako nakakain.
5.nagkasakit ako ng walang nag-aalaga sakin.

ilan lang ito sa mga bagay na di ko malimutan.pero kailangan kong maging mayabang hindi mayabang na literal ha.maging mayabang at malakas.ang dahilan para maging masaya ang pamilya at di mag-alala. at NATUTO AKO dahil dito.


" bilang OFW walang makakatulong sayo kundi ang sarili mo "

1/30/2009

Angle! kabaliktaran!

pano ko kaya sisimulan ng magandang entrada ng pagbabalik ng walang kakwenta-kwentang pinag-gagawa ko rito pero pogi naman sabi ng lolo ko,(walang paki-alamanan ha).

ilang linggo rin ang nakalipas at nakaraan ng nagsimula akong magsimula dito(teka parang ang gulo ah)..di bale di naman nila binabasa.(aray!).

ganito ang nangyari sakin ng super mega over dooper gwapo ako,este! puro trabaho at nasa site ako ng universe...sa sobrang pag mamadali ko na makapasyal man lang sa mga blog.di ko na nababasa ang mga post nila (wag kayong mag-alala at hindi kasama ang mga nasa blog list ko.he he he..teka muna, sa presinto nako magpapaliwanag)...ang ginagawa ko i try to make a snap look at the comments of others and make basa basa sa mga comments nila at medyo making gaya-gaya ako ng konti at medyo making ulit ng pakwela effect of my comments..presto! may comment nako sa kanila. ni hindi ko man lang nabasa o nakita ng around 1min. isang malaking kalapastanganan itong ginawa ko...

simple lang naman,...alam naman natin na di naman masyadong importante ang comments..(charing!)...pero nakaka taba ito ng puso.may comments ka or wala,o di mo naman binasa ang mga post...malaking S A L A M A T parin ito para sakin..kasi, ang isang segundo mo at nakapasyal ka sa blog nato,ibig sabihin ibinigay mo ang oras mo para makilala ako..i will say 10Q!


ay! salamat pala kay GIGI (yakap araw araw!), sa pag bibigay pansin sa pamatay homesick na pinaka gwapo raw na OFW bloggers (walang pakialamanan ulit!)..joke lang po...aksuli!..nakakataba ng puso ang ganitong pagbibigay pansin sa mga katulad natin nagblo-blog...nakakapatay ito ng homesickness.

kung anu ang masip ko ngayon ayun ang niga type-type ko,hirap kasi ako ngayon sa angle na ginagawa ko,hirap talaga pag bopols sa computations(di ako yun!)..ito kasing isang gingeneer na kasama ko(ibang lahi).ewan ko lahi ata ng sablay! puro angle ang ginawa sa building, ayun di pumapasok sa actual dimension...ok sana kaya lang unscale ang pinaggagawa ni kulafo, ito ako ngayon at balik sa computation...napapakanta tuloy ako:

chorus:
konti nalang konti nalang babanat na ako
pasabugin ang mga ulo na mahilig manggulo
konti nalang konti nalang akoy babanat na
pasabugin ang mga ulo na mahilig
mahilig manggulo hoh..oooh!

(ang kantang ito ay handog sa inyo ni kosa. aba ewan ko tanungin nyo si kosa.)

angle-angulo- kaya pala angulo at tawag,ewan ko ba ang gulo!

1/15/2009

buhAy pa NaMaN ako!


Di man ako makapasyal sa inyo,lagi ko kayong nasa-isip...kamustasa na lang sa lahat! talagang kahit ano gawin ko,wala sa hulog ang oras ko ngayon sa trabaho...salamat sa lahat ng mga kachokaran ko dito sa blog..sorry kung medyo di ako makareply ngayon,babangon ako at babawi(sabay gagayahin ang itsura ni megastar sa pasan ko ang daigdig).


eto ako ngayon at hilong talelong,balik ako agad pag medyo ok na ang kamada ko sa trabaho!!!
buhay pa naman at humihinga!
world peace!(sabay kaway na parang Miss U).

1/04/2009

tRabAhoNg KuYA GeRms 2009


Medyo trabahong kuya germs (walang tulugan tayo ngayon).malaki ang naka-atang na trabaho sakin, mahirap pero yakang yaka naman . Sangkaterba at sangkatutak na detalye ang kailangan pagbasehan.
Pagdating naman sa ganitong trabaho,pinoy ang kailangan ,ika nga nila sankapa kundi sa pinoy!,number wahid(one) ,ang tawag nila satin mga pinoy pagdating sa trabaho,madalas kahit bulol tayo sa salita nila at arablish(arabic English),mas gusto nila tayong kausap dahil narin sa magandang pagpapaliwanag at di puro alatol girgir(puro salita).
Kung pagbabasihan at mapapansin ang sitwasyon ,di katulad ng trabaho sa pinas,ang mga simpleng bagay ay madaling nasusulusyunan, mabilis ang instinct na makapagdesisyon ng tama. Dito nauubos ang oras nila sa simpleng bagay, dito narin tayo pumapasok, di ko na kailangan ang magsalita, kukunin ko lang ang papel at lapis,illustrate by sketch with all the perspective that I read and understand, presto! Gets na nila ang gusto nilang mangyari. Siguro isa rin advantage satin ang mabilis nating pag iisip at aral tayo sa basic drawing at hinuhubog tayo bago tayo makapagtapos ng pag-aaral . Depende sa kurso natin.
Kaya nga mas ipinagmamalaki ko ang mga katulad kong pinoy na nagtatrabaho di lang dito sa Kuwait kundi sa ibat-ibang lugar ng bansa, sa sampu,walo ang nagsasabing mas gusto nila ang pinoy katrabaho kesa sa ibang lahi,workers man o propesyunal.


----------------------------------------------------------------------

ito ang ilang detalye ng mga pinag-gagawa ko:


ang location kung saan itinayo ang building


layout detail/plan


elevation of whole building

perspective view


12/30/2008

congrats! pinoy expats/ofw blogger

mabuhay! ang laht ng pinoy expats/ofw blogger!

isang simula ng pagsama-sama ng pinoy! salamat sa mga bumubuo nito.

ito ang link ng top 10:

http://pinoyblogawards.blogspot.com/2008/12/magandang-gabi-po-mga-kabayan-good.html


magandang lalaki ako! este! magandang pagpasok ng bagong taon sa lahat!

12/20/2008

pAnsamantagaL

P M A (Pahinga Muna Ako) medyo busy langpo sa bago kong project..lagi akong nasa site ngayon...



binabate! este ! binabati ko lahat ng mga kachokaran ko dito sa blog...maligayang pasko at maliligo ako sa bagong taon...balik agad ako...try kong mag post related sa work flow at kahihinatnan ng masakit sa ulong project.:)

see you all next year!!!

12/13/2008

tell me about uRself?


nitong nakaraan araw at katatapos lang ng bakasyon,sangkaterbang lasma ang pumasok sakin,masaya ang araw pag may bakasyong ganito sa lupang buhangin.pero umabot sakin ang di inaasahang pangyayari,hanggang ngayon wala pa ang sweldo ko..wahhhhhh! pau-tang -inaman.wala kasing bangko at sarado ang serbisyo nila kaya wala kaming magawa kundi antayin ang pagpasok ng araw ng lunes,na hindi ko alam kung talagang pinasok na ang pera nung nakaraan o ipapasok palang sa sunday ang pera...di pako makapag-blog sa di ko alam ang dahilan at ayaw pumasok ang mga ipopost ko sana sa nagdaang araw.pero eniwey!sa sobrang kakaisip at halos di mapatay ang homesex este! homesick pala...marami akong natuklasan sa aking sarili.


ito ang ilan sa mga sumusunod:


1.di ako makatulog pag walang kulambo sa paa ko.

2.gusto kong maging malaya kaya hubo ako kung matulog

3.patay ang ilaw pag matutulog nako

4.nagigising ako ng madaling araw para pumupo tapos matutulog ulit pagkatapos

5.at paggising ko sa umaga di maiwasan tumigas at uminit ang ulo ko.(dito malamang pare-pareho tayo.tama ba yun abou!..ha ha ha.:)




6.at ang pinaka extreme na natuklasan ko sa aking sarili,straight ang bulbol ko at one sided ko itong suklayin.he he he.:)


11/27/2008

enter sandman este! "SandBox"


sa isang kwadro ng pakikipagsapalaran sa buhay ng isang kahanga-hanga at isang talentadong pinoy na nagpapalawak ng kaalaman sa buhanging kinatatayuan...buhay at pananaw ng isang OFW sa gitnang silangan...enter "The SandBox"


isa sa mga kahalintulad kong pogi(twiwit!,he he he),o wala nang makakaangal pa,pagbigyan nyo nako...magpapasko na naman..


tantaran...anu kayang magandang introduksyon,teka, di naman pwede na mas gwapo ako kesa ka kanya...aaminin ko na medyo lamang lang sya ng paligo sakin,kaya sya ang gusto kong iboto sa american idol, ay! sa top 10 pinoy OFW bloggers of the whole wide world.


nasa kanan bahagi ng blog na ito kung gusto nyo bumuto..sapilitan po ito.he he he.end of voting dec. 30,2008.salamas!..este salamat!...mabuhay ang lahat ng pinoy expat OFW!


salamat sa mga bumubuo nito.kay kenji shiela ng thoughtskoto.isa itong simple pero rock at isang paraan para mapalawak ang talento ng pinoy na nagtatrabaho sa ibat-ibang lugar..isang pamatay homesick para sakin na malayo sa perlas ng silangan.

11/19/2008

"paG wa WEntA wAg nALanG sA"

ang dami kong comment kay anonymous..( kilala ko na siya).maganda ang comment nya kaya lang di ko maintindihan spokening dollar kasi...umabot ng 57 comment,ang problema isa lang ang sinasabi...ok lang sana kaya lang paulit ulit yung comment..eniwey!,nagpapasalamat parin ako...

ito yung commment(ay tama ba?) nya!:

Anonymous has left a new comment on your post "tRabaho!": 4 U 2 UNDERSTAND! TAGALOG!You said"but I do have some knowledge of small part of arts...I myself, not consider as an artist.. I just love the art and the heart of it. This is my way for killing myhomesickness…"IT SEEMS IBA NA STORY MO DITO? BUMALIGTAD? YOU BECAME HUMBLE?PLEASE REVIEW YOUR STORIES ALL THE THINGS NA SINABI MO, PAG ARALAN MO IN CASE PAG NAG BAWI KA NG SALITA DI KA MAPAHIYA......OKAY?BE CAREFUL ON YOUR WRITE UPS COZ MARAMI NAKAKABASA, HUWAG MO MASYADO IAANGAT ANG SARILI MO SA PAG GAMIT NG IBANG TAO, LUMALAYO KA NA SA TEMA NG IYONG BLOG.Too much of it can have a fatal effect. Here's what you can do to relax.Choose a time when you won't be disturbed to write your nonsense poem....don't think too muchthink there is a very important point you are missing....PrayingIn social situations, do you find that You wish you could be more honest? Even though the things you are saying SOUND honest, they are actually freakish lies revealing your true evil self?When writing your own autobiography or experiences, would you detail the exact course of your life, including your precise toilet-plunger bowel-cleaning method, or alter the events of your life to better accomodate your ego.If you accidentally shot and killed someone in your write-ups, would leave a note attached to the body with your name, address and phone number, or you yell?PASISIKATIN KITA LALO SA MGA COMMENTS NG GRUPO NAMIN BLOG CRITICS......DON'T WORRY...OK BA?CORRECT ALL YOUR GRAMMAR HA.....toooooooo many.thankssee ya Andrea

ito lang ang masasabi ko...bakit laging nakikita ang mali,pero ang tama hindi?,tama ba o mali,teka ang gulo..bakit pa pagkaka-abalahan ang isang bagay na wala naman papupuntahan,wala namang mangyayari...sinisikap mong magbago at aliwin ang sarili mo para bukas maging handa ka.pero may mga bagay na lulubak sa daan..palagay ko ganun talaga ang buhay,kala siguro pag may maganda kang ginagawa pag nakikita kang masaya at pilit mong binabago ang sarili,mapagkunwari kana sa katotohanan. alin ba ang totoo,lahat ba tayo totoo?mas gusto ba nating isaad ang buhay na masaklap kesa sa masaya! teka nga muna! erase! erase!...wala nga palang kwenta wag nalang sayangin ang letra!

wala namang mangyayari wala rin namang mababago kung sabihin nilang pareho tayong "PANGET",kahit anu gawin natin "PANGET " parin tayo!

11/14/2008

tRabaho!


marami din nagtatanong kung anu ang mga pinaggagawa kong trabaho dito sa kuwait.gaya nila rj at blogusvox,gusto ko rin share ito.

interior designer/detailer ang trabaho ko...pero madalas nagiging all around ako...(kaya gusto nila ang pinoy kahit saan pwede at maasahan). site supervision, at kung anik anik pa,basta related sa design at interior construction.



madalas kong gamit ang autocad pero mas prepare kong mag-skecthes muna bago ang final design (mapapansin nyo di pako long hair dito.ito ang unang picture ko nung nagtrabaho ako dito sa kuwait.)


starting design
layout and perspective


final construction (exterior)
------------------------------------------------

interior sketches:



-----------------------------------------------------------
on site:



-------------------------------------------------
pahinga pag tapos ng trabaho..:)

11/11/2008

F.H Constantino at Dave Constantino

Kung nakapanuod kayo ng pelikulang pilipino nuon,kilala nyo ang sikat na derektor na si Felicing H. Constantino,sino ba naman ang hindi nakakakilala sa pelikulang MANG KEPWENG, at ang iba pang pelikula na madalas pagbidahan ni nida blanca at nestor de villa.kung ikukumpara ngayon,oo ngat high-tech.na ang mga pelikula pero mas kinagigiliwan ko parin panuorin ang mga luma at nakakatuwang mga patawa...gaya nila balut,chiquito,tintoy,palito,babalu,panchito,dolphy,redfordwhite at marami pang iba..ewan ko ba pero hanggang ngayon naalala ko pa ang kanilang mga patawa at di na siguro mawawala sa history ng comedya.

ito ang ilang pelikula:






------------------------------------------------------

Isa sa kamasa sa grupo (adhika group) at nagsimula nito ang (anak ) este! apo pala ni F.H. Constantino na si Dave Constantino...talentadong pintor at skulptur,gaya ng kanyang ama kinalakihan ang pagiging isang artist...may pinagmanahan!...
ito ang ilang gawa ni Dave Constantino


11/03/2008

Malikhaing KoMiKS




nung time na madalas mawalan ng power ang kuryente,madalas akong tumambay sa tindahan ni aling Bining at madalas mag-arkila ng komiks. ito ang libangan ko umaabot ako ng halos tatlong oras sa pagbabasa o higit pa,daig ko pa ang nanuod ng sine.



komiks ang naging basehan ko rin sa pagdrawing,.dito ako nakakuha ng mga visual at shadow style..di lang ako partikular sa mga artist,pero madalas akong humahanga sa mga gawa nila.bumibilib ako at nabubuhay nila ang bawat istorya.para akong nasa loob nito at ako ang bidang inaabangan.


saan naba ang komiks sa pinas?..di ko alam kung bakit bigla nalang nawala ito,at kung tutuusin isa rin itong kultura natin,pero nawala at napabayaan..andyan parin naman ang komiks,sinasabi kong nawala ay yung pagpapahalaga dito,paglalabas ng kalidad,sabagay di naman masisisi ang iba,madalas kasi na walang budget para dito.


Ang isa sa mga nakikita ko para bumuhay dito si Randy Valiente ng Malikhaing Komiks.


ito ang buhay nya mula ng nag-aaral palang kami. isa sya ngayon sa kumikita ng dolyar sa komiks. at napublish sa readers digest na successfull komiks illustrator nuong november 2005 edition.


Maraming parte narin ng pagbabago ng teknolohiya pero sinisingit parin ang komiks sa kanyang trabaho.ginagamit nya ang komiks sa paghikha nya bilang web artist,bilang talentadong writer,at ngayon pinagkaka-abalahan ang pelikulang cartoon sa atin at kasama ng mga magagaling na artist sa pelikula, gaya ng "DAYO" na ipapalabas sa 2008 december filmfest.


ito ang kanyang likha:

balete


---------------------------------------

"Dahil ang kwadro ng Komiks ay hindi isang kahon"

10/31/2008

aNg SoBra,

every friday wala kaming pasok,kaya thursday palang ng gabi handa na akong magpinta at magpuyat.at ito rin ang tamang araw para makapag mast...(makapag relax) ako.dito ko rin nagagawa ang mga trabaho na ralated sa painting,marami sakin ang nagpapagawa.at nagtatanong.

isang paint brush lang ang gamit ko pag nagpipinta (kung anu ang madampot kong brush yung lang ang gamit ko, hanggang sa matapos ko ito.di ako gumagamit ng tubig kung acrylic ang medium,maliban lang kung maglilinis ako.paleta at kamay(palad)ang suporta ko sa paggamit ng shading.madalas,lagi pala na may natitirang pintura at pinaghahalo-halo ko ito para gawin sa ibang kwadro o canvass,dito ko rin nailalabas ang tunay na hagod ng sarili ko.


pag may nagpagawa sakin,binabase ko yung painting sa gusto ng kausap ko.ewan ko ba,mas gusto kong buhayin sa painting kung anu ang nasa loob at iniisip ng ibang tao,kaya di ko pa itinuturing na isa akong painter o artist.


hanggang ngayon di ko pa mabasa ang sarili ko...pero unti unti, mas gusto ko ang type of painting na impressionism,surial and abstract.


malalim ang pagkaintindi ko sa mga painter,minamahal ko ang bawat hagod nila,pinag-aaralan ko ang galaw at meaning ng painting..marami akong gustong painter,isa na rito si Vincent Van Gogh.

natutuwa sila sakin,para daw akong buy one take one,di naman sinasadya.madalas kasi binibigay ko sa kanila ang natapos ko nang pinagawa nila at natapos ko nang sobra galing sa pinagawa nila.
(ito yung pinagawa)
ina at anak
40cm x 60cm
acrylic on board
(ito yung sobra)
anak at ina
acrylic on board/canvass
35cm x 40cm

10/29/2008

iSla de NeBz at ang TuRoN

nang pumasyal ako sa blog ni nebz,nakita ko ang kaibahan ng parte ng pag-blog...isa itong makabuluhan,hinihimay nito ang bawat pagsusulat at makakarelate ka sa topic.madalas kong tawagin itong commentator,malakas kasi ang sinasabi ng kanyang mga letra,hinihimay nya at pinipili kung tutugma ito...in short walang pakialamanan...

di ko kilala si turon, kanina ko lang nabuksan yun blog na ito.nakita ko lang sa blog ni nebz, kaka-elib ang mga ganitong blog,sa tulong ni turon pwede kang humingi ng option sa iyong header design,libre ito..dito ako bumibilib sa ganitong talento!(isang talentadong blogger)

10/25/2008

eVeR and GOLIATH!


5'7" ang taas ko pero halos kasing laki ko na ang mga
batang estudyante.


madalas akong buhatin ni Jamal,pero kung tatanungin
ang edad mas matanda ako ng 6 na taon...

10/19/2008

pag WaLAng mAgaWa





maliban sa pag-babati ng itlog(masarap kasi ito sa almusal pag may sinangag).pag wala akong magawa at para PAMATAY HOMESICK narin.ganado akong mag pinta.
my sketch and my painting
higa (series 2)
acrylic on canvass
40cm x 60cm

10/18/2008

walang PamAgAt

unang bakasyon ko sa pinas nung july 2008,ito ang bumungad sa jeep pagdating ko ng pinas..ayoko na sanang i-publish ...pero kailangan.
video

10/11/2008

batA bAtutA!


Di ko alam kung bakit masyado akong apektado pag may nakikita akong bata na pinoy dito sa Kuwait ,iniisip ko kasi kung pano sila makakapaglaro ng malaya ,oo nga at may mga amusement playground dito,pero para sakin kulang yun para maranasan nila yung time na naglalaro ako sa labas ng bahay,tanghaling tapat na naghahabulan,syato,piko,kalog ng tansan,turumpo,goma,labanan ng gagamba,salagubang.yung mga extreme na laro sakin nun ay yung Sumpit na nagnenenok kami ng buto ng monggo sa palengke,na madalas grupo kayo na para kayong naglalaro ng paint brush,pinagkaiba nga lang nito nasa loob ng bibig mo ang monggo at hihipan mo sa straw,para tumalsik,masakit din ito at minsan naranasan kong malunok ang monggo sa pagmamadali na makatama sa kalaban. Ang isa pang laro na extreme para sakin ay yung Pilipit ng Tansan,pipitpitin mo yung tansan at lalagyan mo ng tali sa gitna at papaikutin para panlaban medyo delikado ito kasi magkaharap kayo at magpapatidan ng tali,madalas akong pagalitan ng nanay ko pag naglalaro ako nito.

At syempre ang mga larong walang kamatayan,gaya ng Taguan pong,Patentero,Tumbang preso at syempre ang Sipa.dahil madalas naming laruin ito tuwing kabi,pagkatapos ng hapunan ng alas-sais,matatapos ito hanggang alas- nuebe ng gabi,para magtakutan at magtakbuhan naman pauwi.

Meron ding larong seryoso – Bahay bahayan,Tinda tindahan,Luto –lutuan,pwede tong pagsama-samahin,depende sa grupo nyo..na para kaming matatanda na talaga, dahil gumagamit ng tutuong pagkain na lulutuin,pero gamit naming pera ay dahon,na kunwari pambili naming sa tindahan.

Ganito lang kasimple ang buhay bata nun,pero isa sa pinakamaligayang karanasan ko ito nung akoy bata pa…at syempre iba na ang hererasyon nila ngayon at may mga bago narin silang laro.kahit pa sabihing may text at internet na silang alam,mas gusto parin nila ang maglaro ng maglaro para maranasan ang pagiging isang BATA…ANG MALAYA!

10/06/2008

mY bOok 2009


sa wakas lalabas na rin ang libro (EVER PAINTING COLLECTION),dahil sa aking pagmamakawa...he he he..kasabay nito ang pagkakaroon namin ng art exhibit na gaganapin pa naman sa feb. 2009...dito sa kuwait...abangan!

excited lang po..kaya napa-aga ang post...

pwede kayo pumasyal sa blog ng grupo
adhika group

---------------------------------------------

my new painting :


higa
60cm x 90cm
oil on canvass


pond (series 6)
60cm x 90cm
acrylic on wood (handpainted)


dirty jars (unfinished)
60cm x 90cm
acrylic on wood

9/29/2008

panibagong araw!


naisipan kong maglakad-lakad.ganito lang yung ritmo ko pag gusto kong mapag-isa.maganda na ang panahon dito at di na masyadong mainit,di narin masyadong umuulan ng buhangin(sandstorm).di sinasadya,parang pati panahon nakikiayon sakin,nakikisama ang paligid,naglalaro ang hangin,ang dagat tahimik,di ko alam kung anong lugar na ang nabaybay ko,pero sa paglalakad kong ito,marami akong natutunan...bukas may panibagong araw!

9/23/2008

muni- mUni


isang linggong lumalakad na naman ako sa lawak ng buhangin,papunta sa una ko ulit trabaho sa pagbabalik ko dito sa kuwait...pagod ako pero ganado..malungkot ako pero masaya tuwing nakakausap ko yung prinsesa ko...at ngayong nag-iisa, eto at nag muni muni.

9/19/2008

Philippine Blog Awards 2008 (pasok mang andoy!) 2 IN A ROW!



ang Pamatay homesick pala, ay muntik ng mahimatay! at lubos na nagpapasalamat sa mga bloogers world at sa mga bumubuo ng Philippine blog awards 2008 ,dahil sa pagkakapasok nito sa PERSONAL BLOG CATEGORY...

pamatay homesick-finalist for CULTURE AND ARTS

pamatay homesick- for PERSONAL BLOG CATEGORY

SALAMAT! and CONGRATS TO ALL BLOGGERS!
MABUHAY ANG Philippine Blog Awards 2008!

9/18/2008

ay! nominated din ako sa 2008 philippine blog awards 2008

BEST BLOG- FINALIST FOR CULTURE AND ARTS

Sep18Finalists: Best Blog- Culture & Arts

Here is the list of finalists who made it to the Best Blog: Culture & Arts category for 2008. The winner will be announced during the 2008 Philippine Blog Award . Congratulations!

Dalityapi Unpoemed
GIBBS CADIZ
pamatay homesick
Perlas Design Studio
Pinoy Power

Is a blog that focuses on the different forms of art whether they be literary, visual, performance and musical art. The posts found in this blog could be a feature of a play; a post reporting on a cultural event, a review of a book or a critique of a play.

9/15/2008

basta....Vote nYoto!


abou,bou,bou,

ada, dada,basta!

thats all i want to say to you..(kanta! awit! sipol!)


sa tulong ng manlilikha ng kalokohan ....aking isisigaw! patalsikin si....ay! churi po..nadala lang ng emosyon...bakit nga pala ako ng po-post eh kaka-post ko palang kanina,dahil,sapagkat at datapwat...nais kong ipagbigay alam na si ABOU ,ang kanyang BASTA...ay nominado para sa bloggers choice award ng 2008 philippine blog award 2..kaya hihingi ako ng balato dahil sa aking pagboto kay abou!


---------------------------------------------------------------------

pagpapasalamat sa sponsors:

Level Up! Games

Nokia

Blog Bank

Smart Communications

Josiah’s Catering

Rsun Technology Store

Yahoo

XFM 92.3

Buddy Gancencia Reality TV

Ultravision Photo and Video

Click Booth

Aloha Board Sports

Sheero Media Solutions

YourPinoyBroker.com

Belo Medical Group

Inquirer.Net

Toshiba

ROAM Magazine

PLDT

Red Box

Coffee Bean and Tea Leaf

2go


Havaianas


PLDT


California Pizza Kitchen


9/14/2008

BAcK To wOrK...

ilang taon na nman ang bubunuin,ilang pawis na naman ang tatagaktak sa aking morenong katawan,at ilang beses na naman mag-aahit ng balbas at bulbol pag nagpapalipas ng homesickness....

eto at tulala parin parang gusto agad makabalik satin,pero heto't naiiyak,naluluha,at naglulupasay,...wahhhhh! ibalik nyoko sa pilipinassssss!




-----------------------------------------------------------------
eto ako pag naho-homesick!!!


eto ako ngayon pagtapos mag-ahit!

9/06/2008

On ToP....


nakapasyal ako sa blog ni blogusvox ang THE SANDBOX...minsan lang ako makarelate sa ganitong pangyayari pero itong MENSAHE...tungkol sa pag-aaral ng bata..ang hirap pag ang sitwasyon ay ganito.mas may pressure sa mga magulang pag ang bata nasanay tayong on top of the class..ganito rin ang nangyayari ngayon sa prinsesa ko.mula kinder at ngayong grade 2, siya ang top1 always..pero mapapansin na mas at mas pa ulit. nagiging kompitesyon ito sa mga magulang..nangyari ito ng umalis ang section teacher nila sa school so kailangan ilipat sa ibang section ang mga bata kasama na ang aking prinsesa.ang siste, narinig ko ang usapan ng mga magulang: ayaw nilang malipat ang anak ko na makasama ng kanilang anak sa section..di ko alam kung bakit,matatalino at marurunong ang section na lilipatan ng prinsesa ko.kung tutuusin a head sila sa klase.sa bandang huli wala namang silang magawa dahil tugma at tama naman ang ibang guro sa bilang ng estudyande na kanyang lilipatan,sa madalit salita pasok at bago na ulit ang section ng prinsesa ko...naisip ko lang,kung may pagkakataon na ganito bakit tayo matatakot sa kakayahan ng bata...or di naman kasi namin iniisip kung magiging top ba? o ok lang ang prinsesa namin,basta gusto naming i enjoy ng bata ang pag-aaral.paglalaro.at syempre ang pagiging TOP 1 na naman ng aking prinsesa(Graziel Eve Villacruz)...he he he...

8/19/2008

mAkulay ang BuHay sa pRutAs at gUlay!

nun paman mahilig na talaga ako magtanim,bago ako umalis ng pinas at nagtrabaho sa kuwait,libangan ko na ito.lahat ata ng lupa pati sa kabitbahay nagtatanim ako.

at ngayon sa paghahanda ko ulit bumalik at magtrabaho ulit ng isang taon sa lupang buhangin,teka puro ulit...may ala-ala at may mga gulay,palayan prutas akong maiiwan.
saglit na katahimikan ng magpahinga ako sa duyan,muni muni.maraming bagay akong gustong gawin at maraming bagay ding gustong isipin.gaya ng mga tanim ko,di nila alam kung hanggang saan sila mabubuhay.pero hangga't may hangin ulan at araw na dadampi sa kanilang dahon di sila mag-aalala at ang buhay nilay walang hanggan..gaya ito ng Pag-ibig maaring mahirap at mabigat sa dulo nama'y kasiyahan...sa pagpitas, itoy walang katapusan (infinity!).


di ko na sila mahintay mahinog
at matikman.ilang araw nalang
balik trabaho na naman....

8/14/2008

sa PAgpaSyaL ni TwEety sa mUnting TaHaNan ni YZiEL!

mahirap ang mangupahan at naranasan ko ito nung time na nagsisimula palang kami.madalas, sapat at minsan kulang ang isang buwan sweldo para pang tustus sa mga bayarin at gastos sa pang araw-araw.ito rin ang isang dahilan kung bakit ako nagtrabaho sa lupang buhangin.

mali-it man ang bahay at lupa,masasabi kong pinaghirapan at dahil narin sa trabaho ko bilang isang interior designer,di naman ako nahirapan ayusin at pagandahin.ang sarap ng pakiramdam kung iisipin,pero ganito paman,kailangan parin ulit mag sakripisyo.para kay Yziel na aking prinsesa.hayyy! buhay parang life!


pagpasok ni tweety
sa living area
sa study area
sa bar counter
sa dining area

8/11/2008

pAmmpaliGo!...nAman! nAman!,di ako makapag post ng piX!

dear ever,

wag kana magtaka kung bakit ako sumulat sayo,alam kong busy ka sa kaka-try na magpost ng picture dito sa blog,at kanina ka pa inis dahil ayaw mag uplod ng picture mong nagpapacute! pero di naman cute.di narin kita babatihin,este! babatiin, ng nasa mabuti kang kalagayan ngayon dahil alam kong oks ka sa iyong bakasyon...oo alam kong lahat ng ginagawa mo,lalo na kanina nung n a t a t a e ka,habang naglalaro ng basketbol,pagka-syut na pagka-syut mo n a u t o t ka, pasalamat ka at malakas ang palakpakan at ang reperi lang ang nakarinig,tinawagan ka tuloy ng foul!.sandali nga tutal nag-iisip ka kung pano ko nalaman,hayaan mong ibalik ko ang history,bata ka pa nang nakahiligan mong magdrawing,at madalas ito ang ginagawa mo sa iskul para kumita sa mga kaklase mo para huthutan ng 3o pesos kada drawing sa science project(tama ba?-ang kapal mo).pero dahil dito sumikat kapa sa iskul at madalas sinasale ka sa contest..swerte ka lang at yung mga judges eh kapitbahay nyo na madalas mong igiban ng tubig sa poso...naalala mo rin ba nung nagbinata kana at madalas nang tigasan kahit na unang taon mo palang ng high iskul(tama ba?-ang tigas mo!).at syempre lumaki narin ang kita mo dahil 50pesos na ang singil mo sa mga project na may drawing.pero ganun ulit! ito ang naging dahilan para iboto kang best in art, dahil karamihan sa mga kakalase mo- anak ng teacher(tama ba?-ang galing mo!anak ka nang###).at itong nag-aaral ka bilang arkitekto,nagulat ka ng may mas maraming magaling magdrawing sayo.ganun paman naging challenge ito para pagbatihin mo,este, pagbutihin pala!...(tama ba?-agree ako dyan).medyo matumal na ang negosyo mong magdrawing nung college kana, kaya gumawa ka ng paraan at nag-aral magsulat,at sumama sa may alam na magsulat...kahit di nila alam na kinukuhanan mo lang sila ng style.(tama ba?- style mo bulok!)..pero wala sa isip mo na seryosohin ito,datapwat kinahiligan mo na ang pagsusulat..iniwan mo ito at nagtrabaho sa iyong propesyon bilang isang interior designer sa kuwait,at sige ka parin ng sige sa pag pinta at pag drawing at swerte na rin dahil marami ang nagkagusto sa mga gawa mo at ng iyong grupo. alam ko rin na na feature kayo sa pinoy abroad ng GMA7 at ng STAR STUDIO MAGAZINE middle east ng ABS-CBN(tama ba?-ok yan mabuhay ka and world peace!).balik tayo sa pagsusulat mo!, kahit ayaw na sayo ng mga sulat mong baduy,na hindi pa uso ang txt nun eh kung magsulat ka eh,sinasadya mong ibahin ang letra at gawing hidni tugma ang spelling na hanggang ngayon wala parin nakakapansin sa mga bumabasa ng mga notes mo.gaya ng mga pamagat mong di tama ang spell at pagdadagdag mo ng letrang M sa mga words na may M.(tama ba?-at ako lang ang nakapansin!).siguro naman at naniniwala kana sa mga kwento ko!...at wag kanang mag isip kung sino ako.dahil kasama mo ako sa paggamit mo ng sabon pampaligo!


nagmamahal,
ang iyong konsensya


p.s.
lang hiya ka,di lifeguard ang pangalan ko. safeguard!

8/04/2008

The Flaming heART


sa pangalawang pagkakataon,habang abala ako sa pagbabakasyon,nag email sakin ang Star Studio Magazine middle east Edition,yes! at yes na yes!,ayon sa maganda at magaling na si nikki(ang article in charge).itong week na ito,lalabas na ang magazine...at syempre ikinagagalak kong i-post dito sapagkat,datapwat,kasama po ang inyong lingkod at aming grupo Adhikagroup na ma-feature sa TRULY PINOY.

ito po ang link: http://www.abs-cbnglobal.com/ItoangPinoy/TrulyPinoy/TrulyPinoyDetails/tabid/231/ArticleID/2867/TargetModuleID/820/Default.aspx



7/29/2008

sA pAgbuhOs ng rAiN

kelan lang naisipan kong maligo sa ulan,maliban sa maglaro ng apoy gaya ng kay abou,at iniiwasang magbilang ng araw bilin ni blogusvox,di narin muna ako namasyal dahil libre ako ng pamasahe sa paglilibot ng dahil kina byahe ni dong at the islander,at eto pa samahan pa ng mas kakaibang tanawin mula sa tokyo edition ng islander in the city, ganun din ang pamamasyal ko ng napadaan ako sa eye in the sky...


teka giniginaw nako.dadaan muna ako kay tito rolly para magpaturo ng kung anu-ano,habang nakikipagkwento at naaliw sa pagbabasa ng kwentong tambay,at malikhaing komiks.pashot-shot ng beer ng may bagong katsokarang dumating ang ofwlyf na kabitbahay sa kuwait..ganun din ang arabian josh ....pero gaya ng ulan na dumaraan may dumadalos na luha at sa pagbuhos nito mayroon maiiwan na ala-ala ng lungkot at kasiyahan para kay a man of my town(akoy nakikiramay)....

-------------------------------------------------------------------------------------------------

pagkatopos na pagkataos ng ulan,eto ang senaryo! pwesto!,inuman sa kapitbahay at kwentuhang walang saysay.kulang nalang ang awitin ng parokya na "tama na yan inuman na"...di naman ako masyadong palainum eh..hik! ,tsalagang namisssssssssss.hik! ko lang tlaga aaaaaaang tumoma at kwentoham..



pag tapos kong makipag kwentuhan,pinasyal ko si pukengkay!

si pukengkay ang alaga kong tunay!

7/23/2008

aNg mAhiwaGang piNas!

dalawang taon walang uwian,halos nakamamatay ang homesickness,nakaranas at napagdaanan ko ito sa loob ng anim na buwan at pasundot-sundot na araw kagaya ng pagsundot ko sa ilong ko sa dami ng kulangot, ang hirap,mapag-isa, talagang tutulo ang uhog mo sa iyak,di ko nga alam kung bakit ganun ang feeling,ang bigat talaga! tuwing hihiga ako sa kama,parang lumiliit ang sulok nito at ang kisame parang bumabagsak sayo unti-unti,ganun kabigat.pero kung iisipin napakabilis ng panahon,sa dalawang taon yun, nakita ko ang pagbabago,naranasan kong tumayo sa sariling paa,at naranasan ko ring maging kaibigan ang aking palad sa gabi madalas akong mag lotion,para bang siya lang ang nakakaintindi ng aking pangangailangan,kaya pag tinanatanong ako kung malinis ang kamay? syempre! dahil sya ay aking alaga,oo, naman! dahil ito ang ginagamit ko tuwing nagiisa ako at para mawala ang init ng ulo...gamit ko ang kamay ko sa pagdrawing ng layout dahil sa trabaho ko.kaya kailangan alagaan dahil ito ang buhay ko...ang haba naman ng paliwanag ko sa kamay,dahil sapagkat datapwat,ngayon umuwi ako nakapagpahinga ang kamay ko...


marami akong nakagiliwan ngayon na hindi ko pansin nuon,gaya ng pagsakay ko ng tricycle,mga kulisap sa bahay,mga ingay ng palaka sa gabi.langgam,suso,bubuli,kulig-lig, ang alaga kong si argo,mga kambing,sabungin manok ni kuyang, palayan,ilog at syempre ang mga alaga kong halaman.



at ang matulog sa ilalim ng puno ng manga
sa papag kawayan...zzzzzz!

7/21/2008

i'm comming home to the place where i belong! sigurado ka?



marami ang nagulat at umalog ang betlog!este utak pala! ng sinabing kong uuwi nako kahapon sa pinas,aktuli!,di ko talaga pinaalam,gusto kong maranasan ang bumalik naman ng magsisimula,teka ang gulo ko.kapansin pansin ang mga tao pabalik ng pinas at masasabi kong at sa tingin ko.ako lang ang first time na magbabalik ofw,makikita mo sa kanila yung wala nang excitement,at halos sanay na sa muli nilang pagbabalik,di tulad ko na nangapa parin kahit na sabihing alam ko ang aking gagawin,wala naman masyadong hassle o maiikwento tungkol sa paglalakbay ko pabalik,maliban lang sa pagtungtong ko ng pinas,natatandaan ko nung halos dalawang taon na ang nakalipas,masyado akong nahirapan paalis ng pinas,kasi parang ang aarte sa pila at ang ugali ng mga guard nuon kung magsisigaw ay kulang nalang sabihing "engot" ka sa pagtutulak sayo na dun ang pila at di kaba marunong bumasa,hindi naman nangyari yun sakin,pero naganap mismo sa harapan ko...pero o my gulay!,iba ang nangyari sakin ngayon,parang napaka-espesyal ko,kulang nalang bigyan ako ng welcome banner,una magalang na sila ngayon,at tatawagin kana ng guard ng "SIR" dito po ang tamang pila! "SIR" baka meron kayong panigarilyo dyan!"...at ng pumunta ako ng cr,talaga naman, kukuha lang ako tissue na isang dangkal lang ang pagitan may mag-aabot pa sayo..at sasabihin din sayo bago ka lumabas ng toilet eh, tatawagin ka na namang "SIR" baka may pang meryenda tayo dyan!...kaya sa susunod kong pag-alis muli,ito naman ang aking aabangan!

7/15/2008

mEroN aKong "DaTeS"







ang origin ng dates (palm tree family),hanggang ngayon ay wala pang eksaktong kaalaman,pero dito sa lugar buhangin ito madalas matatagpuan.kung ikukumpara sa buko(coconut tree) satin ang pinagkaiba lang nito ay yung bunga.at take note! para tumubo o magbunga ang date tree kailangan ng isang lalaking puno sa bilang ng limangpung punong dates na babae.o di ba kakaiba... ang lasa nito ay malinam-nam,kung titignan mo kala mo minatamis na sampalok he he he,pero magugulat ka sa lasa at napakatamis at hindi rin ito nabubulok o nilalanggam.

masarap kainin ang date fruits lalo na kung may kasamang tsa-a(tea), para itong kape at pandesal,(teka namiss ko tuloy ang pandesal)..paborito ko rin yung maniba nito o hindi pa masyadong hinog,malutong na parang pinagsamang lasa ng mangga at lansones.(teka ulit namiss ko rin ang mangga at lansones)..hay nako makakain na ngalang ng duhat!

ika nga ni pareng romy na aming binata:" buti pa ang puno dito may dates ako wala"



Tea and dates (photo and creation from jocab)


ito naman ang aming suki na madalas na
mas marami pa akong nakakain libre,
kesa sa nabibili...he he he

7/13/2008

H A G O D

nun paman kilala ko ang ating national artist ngayon na si BenCab,madalas ko itong marinig sa mga kaibigan kong artist,di ako masyadong "IN" nun sa larangan ng pagpinta,dahil masyado akong abala sa paggawa ng templates ko sa pag-aaral ng arkitektura,mas kinagigiliwan kong magbasa ng komiks...sa panahon nagdaan importante ang makarelate ka sa mga related arts ngayon,at sa di inaasahang pagkakataon nakasama ko ang isa sa pamilya ng cabrera,isang malaking bagay ito para lumawak ang kaalaman ko sa pagpinta at pagsulat.kinagigiliwan kong pag masdan kung pano ang pagtimpla at hagod ng brush o pencil na hawak, at dito ko naikokumpara kung alin ang "MAS" at di "DAPAT"...minsan tuloy, sa aking palagay isa sa magiging artist ng dekadang susunod ay ang kasama kong si Jojo (JoCab) cabrera...

ito ang ilang HAGOD mula kay JoCab:





JOCAB PAINTING( lady veNdoRs)

--------------------------------------------------------------------------------------------

ito naman ang HAGOD ni BenCab:


BENCAB PAINTING (Sabel)

7/08/2008

BEWARE!


kelan lang ng may nakausap kami na egency galing sa pinas dito sa kuwait,di naman namin sinasadya nang napadaan sila sa opisina namin,may kalumanayan silang magsalita at mapapansin mong mataas ang pinag-aralan at kapa-bilidad sa ganitong trabaho. binigyan pa nga kami ng calling card!...anak ng tipaklong! ngayon lang, ng mabasa ko sa dyaryo ng ARAB TIMES na may problema pala ang agency na to...NONSTOP OVERSEAS EMPLOYMENT CORPORATION.


ito ang link ng balita dito sa kuwait:




nuMber wAhid! (Numero Uno)


san ka ba makakakita ng isang nag trabaho sa kuwait na kung iisipin at titignan mo eh,ang akala mo dito na nakatira at halos sampung taon na kung susumahin..ops! ops!,kung hindi ako nagkakamali halos magdadalawang taon palang si rene dito,pero sa igsi ng panahong iyon mapapansin mo marami nang kontak at kung anu-ano pa...he he he.dito mo mapapansin ang isang pagpapalipas at pamatay homesick na hindi mo na kailangan magmukmok.isang kakababayan masasabi mong number wahid! OhA! oHa!

6/16/2008

D tHinker and Mr reLax







sa isang banda, magandang pagpapalipas ng oras ang mag-isip at mag relax,dito ko nakikita ang kasimplihan ng buhay,lalo na ang malayo ka sa iyong pamilya.naisipan kong kunin ang picture na ito,kahit di ko na gawan ng istorya,may istorya na.

gulong!

video

ilang linggo narin ang sandstorm dito sa kuwait,tuwing papasok at uuwi ako ng bahay kailangan kong maglinis ng ilong dahil punong puno ang ilong ko ng mga organism(kulangot!).

kanina napansin ko ang isang lata na pagulong-gulong sa kalye,wala akong magawa kaya naisipan kong kuhanan..pumasok sa isip ko.totoong ang buhay paikot ikot lang, kung saan dalhin ng hangin dun ka susunod,kailangan lang ng mani-obra para di ka mapunta sa putikan.kaya parang gulong!..ibig sabihin gulong gulo..kasing gulo ng bul-bol ko.

6/07/2008

Rain sHy tHeM...

nagbukas ako ng email ko kahapon;ito ang tumambad sa mail ko:

pamatay homesick,

dito ako sa net cafe ng di sinasadyang naiwan bukas ang site na ito,so binasa ko,ang nangyari nakakaaliw palang basahin to,nakakaasar din minsan.pero nakakarelate ako bilang ofw dito sa kuwait.naisipan kong mag email sayo,baka sakaling mapasok mo dito sa blog mo...

matagal nakong nagtrabaho dito sa kuwait,pero tang'na sawang sawa nako sa amo kong ipis,nakakaloko,sa kanila lang nagsimula kung bakit engot ang mga nagwowork dito,pakiramdam nila sila yung pinuno ng lahat,lahat modir,lahat sakim,manloloko at gago,sandali pala sana alam mo yung ibig kong sabihin ha.yung amo kong IPIS!....
----------------------------------------------------------------------------------------------

di ko na tinuloy yung pagpost ng sulat ng ating friendly reader,baka ma-off tayo dito sa net,ang suma tutal lang naman talaga nun e,masyado syang niloko ng amo nyang IPIS...wala rin akong masasabi kundi ...

U'lan Hiya Sila!!!

6/02/2008

Ang Tamang Panahon!

sa totoo lang malaki ang natutunan ko na magtrabaho dito sa kuwait,hindi dahil sa experience ko na sa field ng trabaho ko,kundi dahil narin sa mga kasama ko sa trabaho,aaminin ko na nangapa talaga ako,una iba ang sistema ng trabaho at mabuburat ka talaga,di mo alam gagawin mo,san ka nga naman nakakita ng trabaho na ang mali nagiging tama,at ang tama nagiging mali...nakakapraning noh,bakit ko nga pala naikwento ang trabaho,isang dahilan at importante ang may makasama ka at nagsisilbing gabay mo lalo na't nasa ibang bansa ka,pag mahina ang loob mo at di ka lumalaban kung tama ka,di pwede yun,baka pulutin ka sa daan ng luhaan.yan ang natutunan ko dito...maliban sa kaibigan kong si ding(kasama sa trabaho,ka grupo ng adhika).http://adhikagroup.blogspot.com

kay ding napaka-simple ng lahat walang komplikado,hanggat maaari walang problema,matagal nang nagtatrabaho si ding dito sa kuwait,at sa kanya marami akong natututunan,kahit sabihing siya ang may mataas na posisyon dito (as art director),nakikibagay parin.grabe ang galing ni ding kung hagod at linya ang pag-uusapan,malinis ang detalye, napakahirap ng ganung style,swerte nga ako at kahit paano nakikita ko yung kilos at galaw at syempre medyo pinag-aaralan ko.kung susumahin malaking bagay si ding sa pagpapalawak ng kumpanya,nasa kanya ang katawan nito...matagal na panahon at pagsasakripisyo,kahanga-hanga ang ganitong pagkakataon at napakaimportante sakin ang maging bahagi at makasama ang isang katulad ni Ser Ding Bautista Jr..http://dingbautista.blogspot.com
ngayon malapit nang matapos ang pagsasakripisyo mo,at malayo na ang narating,gagawin kong isang halimbawa ang magsisilbing gabay ko sa darating din panahon na makakarating din ako sa gaya ng iyong tagumpay at pagiging simple ng lahat....salamat!


Taong Nakalipas



adhika group










5/31/2008

"maleta"

wala kaming kapera pera ng lumipat kami sa bulacan,natatandaan ko pa nun sa edad kong 7 yrs old eh halos pawis na pawis na ang aking nanay buhat ang malaking maleta,nasunugan kami sa squaters area bandang UP diliman,kaya napilitan kaming dalhin ng gobyerno sa bulacan,wala pakong muang ng mga araw nayun,basta dala ko lang ang aking laruan, masaya nako,pero nakikita ko ang nanay ko na balisa at di mapakali,kala ko nun dahil sa bigat ng maleta,ngayon ko lang naisip at naramdaman ang paghihirap ng aking ina,habang dala nya ang maleta, inabot na kami ng gabi sa kalsada na mataas pa ang mga damo sakin,dahil ako ang bunso,lagi akong inaalalyan ng aking ina,kasama ko ang aking tatay na pagod pero di nagpapahalata,nakita ko si nanay na lumapit sa kanya,pinunasan ng pawis sa likod pagkatapos binigyan ng tinapay at tubig,pagkatapos kumuha ng damit sa maleta at binigay kay tatay,pagkatapos nun,pinaghanda ang aking mga kapatid ng makakain,lumapit sakin ang akin nanay na nakangiti pero may namumuong luha,kinarga ako at inilipat sa pinagpatong na gamit katabi parin ng kanyang dalang maleta,pagkagising ko gising na ang aking ina,sa palagay ko nauna pa syang nagising sa lahat ng mga kasama namin naglalakbay sa daan,yung suot nya kagabi yun parin suot nya ng magising ako..lumapit sya sakin at binigyan ako ng tubig,binihisan at kiniliti,lumapit si tatay para kargahin ako,at niyakap nya rin ang aking nanay....di ko pa naramdaman nun yung hirap na naranasan namin,pero tuwing naalala ko kinukurot ang puso ko..nagkakilala sila nanay at tatay sa hospital kung saan nurse ang nanay ko at karpentero ang tatay ko,di naman mayaman ang nanay ko nun pero nasa middle class ang pamilya nya..pero dahil sa mahal nya si tatay sumama sya dito,masasabi kong napalaki ako ng aking mga magulang na gumalang at gumamit ng po at opo..bago ako umalis sa pinas,niyakap at hinalikan ko ang aking nanay,wala na si tatay ,kaya hayaan nyo ako ang magtuloy ng pangarap natin sabi ko,gaya ng dati kinuha nya ang kanyang lumang maleta, binuksan,sa loob nun andun yung lahat ng picture nmin magkakapatid buong buo kahit luma na at black and white pa ang picture,at sabi, mula ng magkakilala kami ng tatay nyo sinimulan ko nang ayusin tong mga picture,napakahalaga nito para sakin,kasi alam kong darating ang panahon na magkakaron kayo ng sariling pamilya,at gusto ko sa picture nato,lagi ko kayong makakasama …nakita ko yung sarili ko sa picture pati yung paglilipat naming sa bulacan,sa pagmamahal ko sa aking ina,muli ko syang niyakap na parang bumalik ako sa pagkabata nung 7yrs. Old ako na humagulgol ng iyak habang inaamo ako ang aking ina,at sabihing ang bunso ko lumaking matatag gaya ng kanyang mga kapatid,lubos nakong nagpapasalamat sa panginoon at binigay nya kayo sakin kasama ng binigay nya sakin ang inyong tatay….salamat anak!

Sa pinakamamahal kong ina….salamat ! at mahal na mahal namin kayo ng walo nyong anak!!!kulang man sa salapi pero busog naman ng inyong pagaaruga at pagmamahal..

4/21/2008

Upuan


Di ko alam kung bakit naisipan kong magsulat sa upuan.anu-ano ba ang tawag sa upuan?(silya,bangko,salumpuwet atbp.)...naalala ko nung time na buhay pa ang gwapo kong lolo,madalas s'yang nakaupo sa ugay-ugay o tumba tumba,yun ang tawag ko dati.madalas kaming mag-unahan tuwing umaga sa upuang yun,nakakatuwa kasi ito, para kang sumasayaw at nakakarelax maglaro,siguro ganun din yung pakiramdam ng gwapo kong lolo,tuwing magbabasa siya ng dyaryo o anu man,laging nakapwesto at kadalasan dun na nakakapagpahinga at nakakaidlip sandali...lagi kong pinagmamasdan ang aking lolo at minsan sumasakay pa ako,at madalas ko rin syang tungtungan,masaya ang mga araw at bawat sandali nung aking kabataan,anim na taong gulang palang ako nang magkita kami ng gawapo kong lolo ng pumasyal sya sa aming tirahan,kalilipat lang namin sa bulacan,galing kami sa squater's area sa up diliman,ng masunog ang tinitirhan namin,di ko pa masyadong maramdaman ang hirap nun,sa edad kong anim,masaya nako pag may hawak akong laruan,ganun pa man lumaki ako sa simpleng pamumuhay,pero ramdam ko ang hirap ng aking mga magulang,karpentero ang tatay ko at para sakin isa sa pinaka magaling,ang nanay ko naman nurse ng makilala ni tatay,nang magsama ang nanay at tatay, si tatay ang naging gabay namin at si nanay ang nag-alaga saming walong magkakapatid.madalas yun lagi ang kinukwento ng aking gwapong lolo tuwing naguusap kami.nang masunog ang bahay namin walang naisalba sa mga gamit namin at binato kami ng gobyerno sa lib-lib na lugar ng bulacan-(sapang palay).ang tanging nakita kong nadala ay ang maleta ng aking nanay at ang isang upuan,malapit kasi ito sa labas ng bahay.di ko nakitaan ng kahinaan ang mga magulang ko,ang mga kapatid ko naman ay nagtulong tulong sa lahat ng bagay maliit man o malaki,nagsisimula palang kaming gumawa ng kubo nun,sa lugar na mataas pa sa tao ang talahib sa paligid,pero sama-sama parin kaming masaya at di alintana ang pagod,bakas sa mga mata nila ang hirap at pag-aalala,pero di pinapahalata saming magkakapatid,ngayon ko lang naisip na lahat ng sakripisyo ilalaan para mabuo ang magandang pamilya,kahanga-hanga para sakin ang bagay nayun,na hindi ko pa alam ang sitwasyon dahil sa mura kong edad,isang malaking bagay sa akin at malaking pasasalamat sa aking mga magulang at kapatid,at pinagmamalaki ko ito at di ko ipagpapalit sa kahit na anong bagay,sasabihin kong isa ako sa pinakaswerte! di ko man naranasan ang mga bagay na nakakaangat sa buhay naranasan ko naman ang tunay na pagmamahal na nanggaling sa aking pamilya,sa hirap man o ginhawa...ngayon! eto ako at nakaupo sa paborito kong upuan nagmumuni-muni at naalala ang mga kwento ng gwapo kong lolo,nakangiti at pumapatak ang luha.salamat sa kwento ng nakaraan at ang mga paglipas na di ko malilimutan....


nga pala! sabi nila kamukha ko daw ang gwapo kong lolo...

4/09/2008

Ang Pagong At Kuneho...

Sobra ang puliktika ngayon sa opisina,pataasan ng ego ang nangyayari,puro sila magaling-magaling sa katarantaduhan,ewan ko kung bakit nagkaganito ang sitwasyon,maraming bago ang gustong umangat pero ampaw naman ang trabaho,parang pag gagawa ka ng tama eh,magagalit sayo,hahanapan ka ng mali at yun ang ipupukol sayo,pero wala talagang nangyayari kundi baliktad ang nagiging sitwasyon,ngayon ako naniniwala na mas kakaiba ang pinoy pag-dating sa arts and creativeness.

isang halimbawa sina ding at jojo ,kahit ano ang gawin di na kayang tibagin,malawak na ang kaalaman nila at experience sa ganitong bagay,mabilis at firm ang ginagawa sa kanilang trabaho,hope na pagdating ng panahon(teka parang kanta ata ah,),at humaba ang experience ko sa field na gusto ko kahit 50% ang ma-adopt ko ay ok na.kung tutuusin hilaw pa ako kung ikukumpara sa dalawa,pero masasabi kong starting point ko ito para sa mahaba haba ko pang lalakbayin at kakaining bigas sa ganung trabaho.isang halimbawa yung ginagawa naming opisina sa unang palapag,nung una, walang pumapasok sa eksena,ngayong nagustuhan ng amo yung design abay parang fashion show sa dami ng umeekstra at nagbibigay suwesyon!pwede ba tatantanan nyo nayan!buti sana kung nakakatulong,pwede pa,eh hindi! ,sana nung una pa sinimulan nila,ngayong matatapos na saka eentra!

madalas kong marinig kay jojo na “sa inyo na galing at angkinin,basta wag nyo lang akong iistorbuhin sa trabaho.”

Pagong at kuneho tanungin nyo nalang si rene!

jojo, ako,bergis(indyano),ding at rene.
-------------------------------------------------------------------------------------------
Medyo maganda ang gising ko ngayon,syempre ,sapagkat ,subalit,datapwat,di naman ako natulog..sinubukan ko lang ,medyo ayos din pala ang di natutulog,may natatapos na di matapos na pagsusulat,nakakaisip ako ng isang panimula na di ko sinasadya at nakakagawa ako ng naiisip ko na di ko naman naiisip,nakakawa rin ako ng ibang intro ng pagsususlat at pagkwento na malayo sa simula at kung ano lang ang pumasok na parang nagsasalita ka lang sa isip na hindi mo naman sinasadya.kaya ngayon sa palagay ko habang sinusulat ko ito di ko alam kung pano.malamang tulog nako..

4/05/2008

Pinoy Food!



nadaanan ko kanina pauwi ang isang lugar dito sa kuwait kung saan napansin ko ang mga resto o restaurant na pinoy ang tema,nakakatuwa dahil isa itong pamatay homesick para matikman ang mga lutong pinoy..



3/25/2008

Power Trio!!!


"ang lakas ng tatlo,katumbas ng tatlong libo"

3/13/2008

Scratch To Win!

napadaan lang,

di ko napapansin kagabi na paulit-ulit ko palang pinakikinggan ang kantangYOUR LOVE ng alamid..luma na ang kantang ito pero malakas parin ang dating sakin,madalas kasi ang mga paborito kong kanta ay yung mga hardrock,makabasag tenga at ilong,yung bang wala ng maintindihan sa song,saka parang laging may kalaghara sa ngala-ngala.(he he he! bantos!).back to mystory,problema ko lang kasi pagganitong paulit ulit kong pinakikinggan ang kanta,meron akong malaking sekreto,at ito ang mgasumusunod:

habang paulit -ulit kong pinakikingganang kanta:

1.di ako nakakatulog
2.tumatakbo ang isip ko
3.at ang pinakaproblema ko-madalas kong nakakamot ang betlog ko ng paulit-ulit din.ano ang aking gagawin?

sa napadaan lang,

napakasimple ng problema mo.ganito ang iyong gawin:
maghugas ng kamay at kamutin ng dahan dahan ang betlog ng sabay sa tugtug para hindi maimpeksyon!

hayaan mong bigyan kita ng isang baduy na patawa mula kay katotong plain white:

tanong: ano masarap sa itlog(yung puti)
hindi!
(yung egg yolk)
hindi!
sagot: e di kamutin!

---------------------------------------------------------------------------------------------
"minsan masarap paring balikan at daanan ang mga nakaugalian nating mga pinoy,ang magkwentuhan ng wala namang pinagkwentuhan,dun mo makikita ang napakasimple at pagiging masayahin natin.tinginan lang matatawa ka na.pamatay homesick at pamatay oras!"

2/17/2008

B i N t a n A

Sad trip ang dating ko nung buksan ko ang bintana,marami akong mga bagay na na-aalala,gusto ko na ngang batukan ang sarili ko,kung bakit naisipan ko pang tumingin sa labas ng bintana,ito ang mga iniiwasan ko, ang mga ganitong tema,masyado akong nagiging emosyonal,pakiramdam ko lahat ng mga problema binubulungan ako,lahat ng mga bagay naalala ko.masaya,malungkot,masama at mabuti..ang hirap tuloy makapagsimula ng gagawin ko at isusulat.wala rin akong time para lumabas pa at makapagrelax,kaya eto ako ngayon,nakatulala at nakatingin sa malayo na wala namang tinatanaw …


sa labas ng bintana


Sa pagiisip ko kung ano ang isusulat ,isang tula ang lumabas:

Bintana ang lugar kung saan matatanaw
Kung saan naglalakbay ang mga pananaw
Dito rin makikita ang espasyo ng buhay
Mga pangarap na nagtatampisaw

Ibat-ibang uri,ibat-ibang bagay
Lahat may kilos lahat may galaw
Di mo mapapansin malalaking bagay
Kumpara sa maliit mas mararamdaman

Sa aking pag dungaw malungkot ang tanaw
Pagkat ala-ala pumasok sa isipan
Pilitin mang baguhin sa kasiyahan
Di kayang itago ng katotohanan

Ngayon sa pagsara ng dahan dahan
Anino ng hangin ay maiiwan
At bukas, sa muling pagdungaw
Sa bintana. haharapin ang kinabukasan.

2/11/2008

A message In A Can!


Pagkatao at pagiging isang ordinaryo ang basihan ko at sa tingin ko yan ang kailangan natin.bakit ba ako nagkakanda-atat sa pagsusulat at pag kwento ng tungkol sa isyu ng pangyayari ngayon na nagaganap sa pinas,kung tutuusin di na kailangan pang pansinin at isipin. dahil alam naman natin na matatakpan lang ang bawat problema at mapapalitan pa ulit ng bagong problema, ang bansa natin. bakit ba ako naiinis,siguro hindi lang ako!,pati ang nagbabasa nito na alam ang takbo ng problema at pangyayari.halo halo na at parang piyesta kung pumasok ang mga usapin,puro pulitika,mula ata ng nasa elementarya palang ako pulitika ang problema,ewan ko kung ito ang ugat kung bakit nandito ako ngayon sa Kuwait at nagtatrabaho at nagsusumikap na baguhin ang pamumuhay,hindi ko sinasabing tama ako o tama kayo,TAMA NA!.alam kong di tugma ang lugar at espasyo nato para sa ganitong usapin pero sa tingin ko, may karapatan din ako para magsalita,nakakasawa na talaga,nakakapangilabot na ang nangyayari,away dito, bangayan ng bangayan,kung pwede sana wag na nating hanapan pa ng mali ang bawat isa,kundi tingnan nating ang epekto ng bawat mali. madalas kong mapansin na inuulan ng argumento ang naghahangad ng kaayusan at pagbabago,pag gagawa ka ng tama dun nakatuon sayo ang mga maling balak,sa madaling salita di ka katanggap- tanggap,pero pag mali,isa kang henyo at kadaki-dakila,sana wag na nating ituon ang atensyon sa mga kulang o sobrang mga pahayag bilang pananggalang o sandata ng sinuman,napakasimple ng problema natin pero ni isa walang solusyon,sino ba ang may gawa nito?,walang umaamin.ngayong taon ,wala na yung tema ng bagong pag-asa!,napalitan na yata ng puro asa!,nawawalan na tayo ng malasakit sa kapwa at lalo na sa bansa,wala nang pinaniniwalaan at nakakalito na. Sabi nila di pa huli,sory kaibigan!, pakiramdam ko huli na.

” wag sanang dumating!, na.., sa mga susunod na araw, di na kayang gamutin ang sugat na tayo mismo ang nagpalalim.”

2/08/2008

"Drink orange,not a chocolate"

kay bilis ng pangyayari,ni hindi ko namalayan,magdadalawang taon nako dito sa kuwait,una kong karanasan ang magtrabaho dito sa abroad,namimis ko sobra ang pilipinas,at madalas kong iniisip na natutulog ako sa papag at minsan nakahiga sa lapag,sarap balikan ang nakaraan,maraming dahilan kung bakit ako nagtrabaho ng malayo sa pamilya ko,di kasya ang lugar nato kung iisa-isahin ko.kahit anong balita sa pinas updated ako sa balita,kahit na bagong showbiz actress alam ko,madalas akong magbukas ng internet sa opisina kahit bawal,para lang makabasa ng balita at malaman ang mga nangyayari sa pinas....pero ngayon parang tinatamad nakong alamin,hindi sa ayaw ko nang malaman ang takbo at pangyayari kundi sa araw araw na balita,ni wala akong nakikitang pagbabago,nagiging worse pa nga.kung tutuusin bagong pakikipagsapalaran na naman ng taon ,pero gaya ng dati,problema parin ang pulitika.ayoko ko na sanang talakayin pa ang pangyayari,at ang mga issue tungkol dito,pero mahal ko ang pilipinas.nagtataka lang ako sa mga balita ngayon at mga ginagawang batas,tungkol dito sa memo-04,nakakagulat at nakakatakot,di ito nakakatulong sa kagaya kong papatapos na ang kontrata at ayaw ko nang magtrabaho pa sa ibang bansa,dahil napakahirap ang mapalayo sa pamilya,ngayon tuloy nagdadalawang isip pa ako sa mga pangyayari,iniisip ko kasi na kung mahirapan akong makahanap ng maayos at magandang sweldo sa pinas,ang second option ko lang ulit eh, mangibang bansa.ang hirap na talaga ng mga pangyayari,target ko lang talaga ang dalawang taon na pagtrabaho dito sa kuwait,pero ngayon di ko alam kung magdadagdag pako ng isang taon kontrata,dahil kung iisipin ko mahihirapan na naman kami ng pamilya ko sa dami ng mga problema at di matapos tapos sa issue tungkol sa mga batas na pinapasok,pagnagkataon,at siguradong mangyayari na kung maisipan ko ulit na magtrabaho bilang OFW, malamang na di nako makakapagtrabaho kahit sa anong bansa,dahil wala akong pangbayad na 8000 dollar na bond ayon dito sa batas na memo-04.



di kami namumulot ng pera dito,ang sweldo namin ay sapat para lang sa pang-araw araw na buhay.sana at maraming sana,meron isang tao sa pilipinas na tumulong o mag-isip na walang gustong mangibang bansa kung ang estado ng buhay sa pinas ay naiibigay ng pantay,ewan ko kung meron pa nga..sana ulit ganahan naman na alamin ulit ang mga pangyayari sa pilipinas!



nga pala napansin nyo yung pamagat, i translate nyo nalang sa tagalog,madalas nyo itong marinig sa kalye..para ito sa mga pulitiko na gumagawa ng ewan ko..!

1/25/2008

It's My Verdey!!!

Ala una na ng madaling araw di ako makatulog,sa ngayon, parang kay tagal ng araw na dumaraan ..…sandali lang! teka lang!,may nakalimutan!..IT’S MY VERDEY(birthday)!

January 21
Sa office,Monday morning ng dumaan si jayasimmen sa department namin,napag-usapan ang birthday,nagkataon na birthday niya ng araw nayun,kaya nagyaya na lumabas,dahil sa birthday ko narin sa darating na Friday 25 of January. napagkasunduan na sa araw na lang nayun magkita-kits!

January 23
Papauwi na kami galing ng opisina sakay ng service,naisipan ko sana na bumaba sa city para bumili ng pang pangsit,pero sabi ni ding,siya nalang daw ang bahala at bibili.

January 24
Kinalabog,ginising ni jojo si dave para magluto ng pansit na galing kay ding.he he he,buti at maaga kami nakauwi kaya makapagluto pa at makakain pa ng salu-salo…si lui, si rene,si romy na nagdala rin ng makakain ang pumasyal at mga bumati sakin pag patak ng alas-dose ng gabi…kwentuhan at asaran ..bagamat simple,masaya ang paglipas ng aking kaarawan..nga pala birthday din ni pareng rolly.
prepare for the ultimate pansit and grilled lamb.

January 25
Kasama si jojo,niel ,amer at ang may birthday nung jan.21 na si jayasimmen at ako.pumunta kami sa Abou shakra restaurant para kumain at mamasyal….treat ni jayas..hapi verdey!!!
one of the most oldest restaurant here in kuwait(60 years)
soup of the day- birds tounge soup
what are we waiting shed!!!...eating time!

1/22/2008

Timbangin Mo At Susukatin ko!


Napadaan kami sa isang lugar at isang old place market dito sa Kuwait ,palengke ang tawag kung ikukumpara sa lugar sa atin,BURAKEYA naman ang tawag sa lugar dito.nagulat ako sa ganda ng palengke ,malinis at mabubuti ang mga tindero’t mamimili,at syempre pag ganito kamura ang mga bilihin asahan mo at sigurado na makakakita ka ng pinoy.

Sa meat area makabibili ka ng lamb, beef,at mangilan ngilan na camel meat,ops!,sory pero kung naghahanap ka ng pork wag mo nang itanong at baka nalang ang bilhin,pinagbabawal ang pork in accordance sa Islamic teaching,ganun din sa alcohol,bawal na bawal.
Gamit ang traditional na timbangan ,mahusay ito at mainam na panukat.ginagamitan ito ng solidong bakal na may katumbas nang mula isang gramo hanggang bente.walang labis,at walang kulang,pero meron kaming dagdag sa binili naming Lamb meat.




Pag dating talaga sa mga pauso ,sikat ang pinoy,mababasa n’yo sa itaas ang BATANGAS,MANILA..di ko akalain na sa isang Arabic market place isusulat nila ang lugar ng bansa natin,althought,pinagsamang lugar satin,nakakatuwa at nakakaenganyo para sa mga pinoy ang bumili dito,merong sales strategy.pati kami ni niel ale eh! Napabili!



Pagkatapos maglibot at mamili,eto ang finale,ang kumain sa daan,parang street food noh!,nasa gitna ng daan at hahainan ka ng kabundok na pagkain,salad,hamus,at tinapay na kasing laki ng bilao,he he he,isang order lang kasya na saming tatlo, ako,si niel at jojo.

1/14/2008

"Ducks and Swans"

Naalala ko nung time na bago palang ako dito sa kuwait,kabado at halos di ako mapakali,sasabihin kong natatakot ako,wala akong kaalam-alam sa takbo ng buhay na haharapin ko,unang trabaho ko abroad,wala akong experience pa,hilaw pa sa kalakaran ng trabaho dito,in short talagang mangangapa ako,parang gusto ko nang umuwi,di ko alam kung tama yung desisyon ko,unang araw,dumaan ang linggo,buwan akong nagiisip,ANG HIRAP pala mag-abroad...

Para akong tanga at sabik na makakita ng mga kababayan natin,ang sarap ng pakiramdam na may makausap ka na pinoy,sinubukan kong makipagkilala,pero di ako pinansin,ah! siguro dahil nagiingat sila dito,dahil di nila ako kilala,pero masaya parin akong umuwi,kahit pano may nakita akong kabayan natin,medyo nawala ang homesick ko,sumunod na araw nagpunta ako sa kuwait city,grade ang saya ko,ang daming pinoy na naglalakad,namamasyal,tuwang tuwa talaga ako.pero nawala, ng minsan, pagkatapos kong mamasyal at sumakay sa kabayan nating taxi driver siningil ako ng 2.5 kd papunta sa farwaniya dahil di ko pa alam na 1kd to 1.5kd lang ang bayad.masama ang loob ko hindi dahil sa binayad ko,kundi bakit ako,bakit! at malaking bakit?...di ba kung ikukumpara sa mga ibon,sasama ka sa kapareho mong ibon, halimbawa ang ducks at swan,pareho ng lahi at parehong ibon,di bat kung swan ka,sa kanila ka sasama,sa kanila ka susunod sa paglangoy,at iisa ang dereksyon tatahakin...

Nasulat ko ito hindi para sa sarili ko,masakit at parang di ako makapaniwala sa nangyari,sabihin ng OA ang dating ko,pero isa lang itong puna na hindi ko matanggap na ganito na tayong mga pilipino..bakit parang ayaw nating mapuna or maging makatutuhanan na sa ngayon unti-unti ng nawawala ang ugaling kabayan natin,kaya ako nagsusulat di para pintasan o siraan ang kabayan ko,isa itong emosyon na nagpapalabas ng damdadamin ko bilang isang pilipino na nagtatrabaho dito sa kuwait,kahit ako ayokong tanggapin na nagbabago na tayo,pero di ko itatago ang mga di dapat na gawin at pagbabago sa pag-uugali nating mga pilipino.


kung napadaan kayo minsan sa blog nato,nagsimula ang usapan sa AND I'M AFRAID OF HI!
ito ang mga komento:
nakakagulat ang komento ng isang anonymous..

"and i'm afraid of HI!"

Anonymous said...
sir may punto kayo,pero nung time after invasion dito sa kuwait magagalang ang mga pinoy,tama rin kayo sa pagsabing nagiingat lang sila,kasi kapwa natin pinoy o kabayan niloloko tayo,di ko kasi alam kung pano nakapunta dito yung mga yan,kasalanan din siguro ng gobyerno natin bakit nakakalusot yung mga illegal na papel,ayun,para mag survive nangloloko ng iba..bakit ko nasabi ito,19 yrs nako dito sa kuwait at alam ko na ang mga pinaggagawa ng mga iyan.masakit sabihin pero ako mismo naloko na ng kapwa natin.salamat.
3/12/07


Everlito (ever) Villacruz said...
salamat sa comment,mukhang seryoso yung topic mo,naintindihan ko yung naramdaman mo,para sakin ok lang na maloko ako ng hindi ko kalahi,pero masakit kung mismong kabayan pa natin ang loloko satin.
5/12/07

Anonymous said...
grabe ka naman kung makahusga,di naman lahat ng pilipino suplado rito,saka ilang taon ka palang dito pano mo naman nasabing di marunong bumati ang pinoy!sana sa susunod bago ka magsulat pagisipan mo muna,parang kapwa mo sinisiraan mo.
11/12/07


Everlito (ever) Villacruz said...
magandang lalaki ako!,este magandang araw pala,siguro di mo masyadong binasa yung note ko,na ewan ko or di ko alam,oo nga taon palang ang binibilang ko pero di ka ba nagtataka na sa isang taon ko na dito,napansin ko ang kaibahan ng ugali ng pinoy dito,at wag ka po magagalit kung naisulat ko ito kaya ang pamagat nito AND I'M AFRAID OF HI!,meaning ako at sarili ko at opinion ko lang,at pangalawa sabi ko dun ANG TAMAAN WAG MAGAGALIT,di ko alam kung bakit masyado kang nag-react..bakit masakit ba? isa ka ba sa mga sinasabi ko,at siguro naman nabasa mo rin yung isang anonymous na kabayan natin na 19 yrs. na dito,dibat matagal narin sya dito pero halos ganun din yung punto nya!,at sa madaling salita naloko pa sya ng kapwa natin..eniwey!,sir or madam,salamat at napasyal ka sa blog nato,maliit lang ang kuwait baka isang araw magkakwentuhan tayo,at dun baka pwede mo namang i share ang mga magandang kwento mo tungkol sa mga kabayan natin,OPEN ang blog nato sa isang magandang talakayan.SALAMAT!
12/12/07

Anonymous said...
teka ano ba ang lahi mo,baka mamaya di ka naman pilipino,o nagtrying hard na maging western yung ugali mo,oo nga at astig yung mga sulat mo,at yung iba medyo aaminin kong nkakatuwa at nakaktulong sa iba,pero ang punto ko nasa web ka at lahat ng tao nababasa ito,so ano ba yung magiging tingin nila kung mga negative yung mga sulat mo.sory din kung ganito ako magsulat pero ipinagmamalaki ko ang pinoy at masasabi ko na kung ikukumpara sa ibang lahi maasahan pa rin ang kalahi natin.alam kong tama ako at agree ka dun..ang gusto ko lang iparating sayo wag ka namang magsulat para lang maging sikat ka o sabihing magaling kang gumawa ng istorya,pagisipan mo muna sir kung makakasakit ka o makakabuti ba,siguro yun muna ang research mo bago ka magsimula,kasi hilaw kapa sa pagsusulat..sory ha.masakit din ba..pero sa ngayon pinagaaralan ko yung mga gawa mo,at sa iba mo pang ginagawa at magaling ka palang magpinta,congrats pala sa exhibit nyo,dito. taas ang kamay ko sayo,.sana magpinta ka nalang wag kanang magsulat...tangap ko rin yung sinasabi mong palitan ng kuro kuro..titignan ko kung may time ako.di ako galit,nagpapaliwanag lang ako,uulitin ko mas walang kwenta ang mga ibang lahi,kasi ako nabastos ako ng iba at pinagtanggol ng kapwa natin,kahit di ko kilala,siguro enought nayun para naman ipagtanggol ko rin sila,sana maintindihan mo na tayo lang mga pilipino ang magtutulungan,at wala ng iba pa.
12/12/07

liah said...
makasali lang sa usapan nyo...wala ko pinapanigan kaya lang medyo di ko ata nagustuhan yung sinabi na "SANA MAGPINTA KA NALANG WAG KANANG MAGSULAT" ako mismo ay isang manunulat at nagsimula din akong hilaw pero sa dinami dami ng nagkritiko sa mga sinulat ko, di naman sila pipitsuging manunulat lang dahil talagang mga iginagalang ang mga ito sa nasabing larangan, wala ko narinig na sinabing...O MAS MAGALING KANG MAGSALITA, WAG KA NA LANG MAGSULAT...ganon din sigurong dapat igalang ang ibang taong nagnanais na iparating ang kanilang kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat...I have judged numerous literary compositions, I was not satisfied in all of them BUT never did it come to my mind to even dare ask --- ANO KAYA ANG PWEDE PANG MAGAWA NG TAONG ITO? SANA WAG NA LANG SYANG MAGSULAT BECAUSE HIS/HER WRITING SUCKS...I instead tell myself that I HOPE THIS WRITER IMPROVES AND THAT I WILL READ SOMETHING BETTER NEXT YEAR. Of course, not everyone will be delighted and pleased with every word but I think it's too harsh to say those things to somebody writing about something you actually have no idea of the concept behind the thoughts. Interpretations vary. EXPRESSION OF OPINIONS DOESN'T REQUIRE BELITTLING OF OTHER PEOPLE'S ABILITIES.now, I don't know and I haven't met any of you but I would say the same thing to any one... Logan Pearsall Smith: Yes there is a meaning; at least for me, there is one thing that matters - to set a chime of words tinkling in the minds of a few fastidious people. ---- congratulations though, mr. villacruz, you have proven that quotation true ---
14/12/07

jojo said...
Makisali na rin ako sa baliktaktakan ni poging "magpainta ka na lng"Sir...Iam not going to stoop down to your un broaden mind, but... in this case, i think i better say what i really feel about your comments.From the onset of description of typography as writing with prefabricated characters has been criticised, not because it distinguishes typography from other writing by its prefabricated characters... " this my fren is the meaning of ever's writing, interpretaions... a point of view not to be taken seriously, though thers is truth to it, this is wat we call in the advertising worls as ...." CREATIVE LICENSE".As David Ogelivy would say, go with small people and be a small person, go with big people... and be a big person... am sure iba inisip mo sa text na yan, but actually ang gusto nya sabihin is, go with people with broad minds and you!!! yourself will be broaden. getzzzzzz!!!time to slip now...thanks,ay si jojo cabrera pala ako sir...at your service, kng gusto mo ma broaden and isipan mo, kng ano man subject.ps.i think you better join the politicians sa pinas, i think you'll do better in that field, hide and sensor your views kasi nasa web ka... geeeeeeeeeeezzzz!!!and western tlaga tyo pare, ano suot mong shirt n pants, the blue jeans originated in the United States of America... try to remember.babouska... sistah...
14/12/07

plain white said...
aba! mukhang may nangyayari na pala dito..ganda ng palitan ah..para kay anonymous:para kang bata na natalo sa pitikan ah:bata:talo ka papitik.(itotodo ang pitik! uhm!)anonymous:hindi naman masakit(pero ngumiwi).bata:balagoong kangkong kamatis at talong(kanta,sipol).anonymous:hindi naman masakit(pero naasar na).bata:IIYAK NA YAN! IIYAK NAYAN!!!(tatawa ng malakas at magpa funy face!,HU HU HU!)anonymous:hindi naman masakit(di na makatingin)bata:(kakanta ulit!).IIYAK IIYAK NA YAN!!!anonymous:papaluin yung bata sa balikat!hindi naman masakit!(nanginginig na yung boses.,)hindi naman masakit(hihikbi-hikbi na).wahhhhhhhhh!,isumsumbong kita sa nanay ko!sabay maglulupasay!...sory nalang anonymous,mga batikang artist yung nakabangga mo..he he he.IIYAK NAYAN!IIYAK NAYAN!
15/12/07


Everlito (ever) Villacruz said...
liah,di ko nga alam kung bakit gigil na gigil si anonymous sakin,siguro tinamaan ng bato sa langit.he hehe.meron na pala akong kakampi dito..salamat..(astig!..taray pala ang magandang asawa ni pareng niel..he he he)pareng jojo,ha ha ha,ok yung CREATIVE LICENSE,dami ko nang natutunan sa mga words na ginamit dito,may karagdagang kaalaman na naman ako sa larangan ng pagsusulat,..lalo na yung blue jeans originated in the states of america..malamang ang suot ni anonymous pag pumapasok sa opisina nakabahag.:)plain whitenaku,wag mo masyadong paiyakin si anonymous,ha ha ha.nakakaaliw...iiyak na yan!thanks!
15/12/07

Anonymous said...
easy lang kayo mga kabayan,nagpapaliwanag lang ako ng saloobin ko,ang sinasabi ko yung naramdaman ko din,bakit di ba pwedeng magsalita ang gustong magsalita dito sa blog nato,napuna.napansin,ko rin kung anu yung mga ugali dito,my point is,di bat mas maganda kung may katwiran yung sinusulat ng isang tao,pagpalagay na nating nasaklawan ko yung sulat ng may akda,pero opinion ko rin yung para sakin o yung punto ng bawat comment ko dito,ang hirap naman sa inyo,porket kilala nyo yung may akda parang ayaw nyong tumingin sa mali o basehan yung mga ginawa nya,iisang lugar lang ata yung napuntahan ng may akda dito,o baka hanggang kuwait city lang siya o kaya eh sa kaifan lang napunta: sa may akda-pumunta ka minsan sa mga sosyalidad dito,subukan mong pumunta sa salmiya,sa hawally,o sa mga kaibigan kong taga villa,baka mamangha ka,magalang sila,kahit na nakakaangat sa buhay,at dito narin nakapagnegosyo,sana tanggapin nyo din kung anu yung maganda,sa tingin ko kasi,baka kulang lang sa pansin yung may akda,at syempre mas kulang sa pansin yung mga nagcomment-at sino namang tong si liah,aba intindihin mo rin,talaga! nagsusulat ka! saan?,sa bangketa,at wag mong ipagyabang kung sino yung mga pumuna sayo,baka mamaya isa rin ako dun.at isa pa sino naman tong jojo,grabe yung english,pero parang nabasa ko yun sa libro,CREATIVE LICENSE,anu yun?,ang topic dito ugali ng pinoy ,di advertising,saka wag nyo kong bigyan ng mga toughts na copy lang sa libro,nabasa ko na rin lahat yun,pakilala para anu?,baka sumikat pa kayo,at gamitin ang pangalan ko,maganda na para sakin ang maging anonymous,di naman ito seryoso para ibigay ko pa ang pangalan ko,at sabi ko nga isa pa itong hilaw na pagsusulat di dapat seryosohin.tsk! tsk! tsk!,teka baka makalimutan ko itong isa,bakit ako iiyak!,baka ikaw ang umiyak at magpalitan tayo ng debate baka di ka umubra...baka sabihin nyo seryoso ko.di ako seryoso,at kahit kailan, para sakin..THIS ARE ONLY MY OPINION.(sana matanggap nyo rin.)

Sana sa mga kwento at babasahin na ganito buksan natin ang sarili natin,may mali man o tama,gamitin natin ito para lumawak at magkaroon ng iisang dereksyon ang ugali nating mga pinoy.....mas maganda para saking punahin ang mali at wag itago.(ito'y sariling opinyon at wala akong karapatan!).

1/02/2008

what's "In" Ngayon.

Nasa kasagsasagan ako ng paghihintay kay jojo sa ambassador supermarket(isang lugar na most of the item gawa o produktong pinoy) .may narinig ako na naguusap (teka parang tsismoso ang dating ko),ewan ko ba, pero tuwing pumupunta ako dun sa lugar ,madalas kong mapansin yung mga kababayan natin na lahat ng dumadaan lalo na bagong salta, pinupuna,nag-aalala tuloy ako at tinitignan ang sarili, ang katayuan about discrimination.madalas kasi mas una nilang binabalewala o hinuhusgahan ang mga kapwa kalahi natin.

Isang halimbawa sa tindahan o restaurant, minsan na rin kaming kumain at walang tatalo sa sarap ng kabab na order namin,kaya madalas kaming pumunta ang adhikagroup dun,isa lang ang ayaw ko,di ko maipagmamalaki ang serbisyo na ginawa samin,at sino ang serbadora isang pinay na may edad na at alam kong matagal na rin dito sa Kuwait,ayaw kong pansinin ang mga bagay na walang kwenta pero ibang pakiramdam pag kapwa mo ang may ganung ugali,sa ibang lahi o sa harap ng mga nakakaangat sa buhay o may porma bumababa ang pagkatao natin at dun lumalabas ang pagiging mahiyain natin,palangiti kahit pagod na,at maasikaso.kaya hindi maipagkakaila na masabihan tayong mapagbigay at marunong makipagkaibigan,pero malaking question mark (Anthony)????,bakit sa kapwa natin hindi natin maibigay ang parehas sa serbisyo,bakit parang ayaw ibigay satin ang ganito,na para bang bawal ang magreklamo pag pangit ang serbisyo,simple lang naman ang tawag dun pakikisama,di bat mas kilala tayong mga Pilipino pag dating sa ganyang ugali.sana di pa huli ang lahat!,nakapagtataka o talagang ganito tayong mga Pilipino(masakit isipin)…

Isa pang halimbawa,pumasyal ang grupo sa avenue mall,tumitingin kami ng mga paintings at ng magsawa at napagod naisipan namin ang tumambay muna sa starbucks,na wala naman kaming pakialam kung anu yung lugar nayun at di naman naming iniisip na sturbucks yun,basta ang gusto lang ng grupo umupo at uminum ng kape,maraming tao iba iba ang lahi,pero marami ang local na nakatambay din,may napansin lang ako sa bandang unahan namin, may mga pinoy at grupo din. nagulat nalang ako sa mga kwentuhan nila na dinaig pa ang mga galing ng US of A sa pagsasalita na kahit ako hindi ko maintindihan,madalas ko lang marinig ay DUH! YEAH! AT SURE!,(huller nasa bansang Kuwait po tayo!) at para bang hindi mapakali sa kakahawak at lapag ng bago nyang model ng nokia cellphone,at ulit, nung makita kami ng grupo,abay parang showbiz ,isnabera ang mga tita!,parang gusto eh sila lang ang may karapatan na tumambay sa sturbucks,na hindi nila alam na mas masarap pa yung timpla ni pareng jojo kung kape lang naman ang paguusapan. Sa isip isip ko, matagal nang balewala ang sturbucks satin pero sila parang enjoy na enjoy sa halos ayaw ubusin na kape para lang sabihin nakaupo o tambay sila ng sturbucks..tsk! tsk! Tsk!,nakapagtataka o talagang ganito tayong mga pilipino (masakit isipin)….

Bago ko makalimutan what’s the “IN thing!”,dito nagsimula yung kwento ko at ito yung pinaguusapan nung dalawang mama na naririnig ko habang hinihintay ko si jojo sa pamimili sa loob ng ambassador supermarket:

Pare 1:.he he he (parang tawang willi wowowi),pare hataw sa porma ngayon ah,bago ang outfit mo.(sabay sipa ng konte sa kasama)
Pare 2: wala lang pare... ito lang nakayanan ko e, puro brand name lang ang suot ko, ikaw nga bago sapatos mo, NIKE.(sabay tingin ng oras)

Pare 1: wow pare bago rin pala relos mo! FOSSILS…

Sabihin nang mababaw ako at pakialamero sa mga kwento,wala naman sa isip ko yung pagkakataon ,pero para bang napaka-inosente sa ganun, na masaya na sila kung yung suot mo ay branded..sory ha kung medyo napasin ko to,pero mga pare ko. di nyo ba alam na halos lahat ng brand dito eh made in china..masakit isipin pero kung magta-try, kung anu ang “IN thing” ngayon,palagay ko mas “IN” kung may naipon ka at pag uwi mo sa pinas magkakaruon ka ng negosyo or makakabili ka ng lupa at makapagtayo ka ng sarili mong bahay para sa pamilya mo..that’s the “IN THING” para sakin..di parang “ENDING”…….



jojo, neil, and me...kain tayo!!!





12/26/2007

Video Rollingggggggggggggg!!!(Part two)

video video

12/21/2007

Lights, Camera,...Rollinggggggggggg! (Part-one)


Kelan lang napagusapan namin ang tumambay sa beach,matagal nang plano to,kaya pinaghandaan namin.maganda rin ang minsan magsamasama,lalo na kung yun lang ang time para naman sa mga sarili namin..maaga, nang dumating kami kaya halos wala pang tao,may ilan din ang naglalakad at yung iba abala sa paghahanda ng mga gamit nila.malinis at kaaya-ayang pagmasdan yung tubig dagat,nakakaaliw lalo na pag may nakikita kang isda na lumalangoy sa palibot ng paa mo..naisip ko tuloy anu kaya kung maging isda ako,makakatawid kaya ako pauwi ng pilipinas,ang sarap siguro maging isda,pero? kagaya ng isang tao,isa rin itong pagsubok..maaaring mahirap sa ilalaim ng tubig dagat,di ko kasi kabisado ang lalim o yung danger na lalapit sakin,nature ika nga ang sabi nila..naalala ko nung time na bata pako(sabagay bata parin naman ako ngayon,charing!).bumili ako ang isang alagain isda, di ko alam kung anong tawag dun,excited ako pag uwi ko ng bahay todo ayos yung ginawa ko at nilagyan ko pa siya ng ilaw,madalas kong titigan , nung una, tuwang tuwa ako sa kanilang paglalangoy,halos araw araw
lagi ko itong nililinis,at binibigyan ng sapat na pagkain,may napansin ako at tinanong ang sarili ,iisa lang ang kanilang nilalanguyan,di ba sila nagsasawa sa kakalangoy sa iisang lugar lang,binigyan sila ng laya para sa ganitong kalagayan pero di sila napapagod,o tinatanggap lang nila na ganito nalang sila...sabi ko sa sarili ko ayoko ng ganito,at mamatay nalang sila ng di nila man lang nalibot ang lawak ng dagat,agad kong kinuha at binukod isa-isa`ang mga alaga kong isda,at pumunta sa tabing dagat,sabay sa agos nito,hawak ang mga alaga ko sabay sabay ko rin silang pinalaya... pag-uwi ko sumagi sa isipan ko, silay malaya,lalaki silang matatag at mamumuhay ng natural...saka nalang isipin kung makakasurvive sila ,dahil sa lawak ng kanilang ginagalawan baka akalain nilang alaga parin sila..at di alintana na kakainin na sila ng kapwa nila..isa lang wish ko sa mga alaga ko nun,sana tumagal sila at maging matatag sa bago nilang aquarium.

Picture Perfect...!








------------------------------------------------------------------------------------------------

NIEL




------------------------------------------------------------------------------------------------

JOJO


------------------------------------------------------------------------------------------------

DAVE



------------------------------------------------------------------------------------------------

LOUI


------------------------------------------------------------------------------------------------



AMER

JAYASIMMEN



IBATULA
------------------------------------------------------------------------------------------------

It's! Shisha Time....



------------------------------------------------------------------------------------------------

Dave and Jojo Ihaw Ihaw!




------------------------------------------------------------------------------------------------



And the Winner Is.....?

------------------------------------------------------------------------------------------------

EVER





12/14/2007

Why? o Why?!!! ,But Better

bakit ba mahirap at malungkot ang magtrabaho sa ibang bansa?

1.mas mahaba ang oras mo,isang araw ka palang dumating,halos isang taon na yung iniisip mo.

2.mararanasan mong humagulgul!(as in tulo luha,ngawa, at tulo uhog) pag magisa ka na sa kwarto.

3.tulala ka ng isang linggo.

4.magugulat ka sa panahon at maninibago sa kultura.

5.ang huli- maho-homesick ka talaga.


pero marami ka rin magagawa para maiwasang malungkot:


1.wag mo munang pansinin ang date,(saka nalang pag katapusan na para sa sweldo)

2.pagkatapos humagulgul,uminom ng gamot para sa sipon.

3.habang nakatulala watch TV para hindi halata.

4.dahil sa iba ang panahon, pag uwi mo iba ang kutis mo,artistahin ang dating, dahil hindi pa polluted ang kapaligiran sa middle-east.

5.kahit homesick,isipin mo nalang na mas babata ka sa middle-east,kasi late ng 5 hours ang oras kumpara sa pinas.


ang ibang paraan, ito ang mga susunod:


maghugas ng pinggan in artistic way
(c/o Niel) with matching song,babalik karin ni gary v.



kumain ng pinoy food
(c/o jocab and dave)
abangan ang site:cooking ng In ngayon!

at mag YOGA sa labas ng opisina!
(walang pakialamanan)

12/08/2007

One Day,Isang Araw,One BIrd, Isang Ibon....I Saw, Nakita!!!..

every sabado,half day lang ang pasok namin,kaya naisipan kong lumabas pag tapos ng work,sarap ng maglakad-lakad lalo na ganitong panahon,papasok na kasi ang winter dito sa kuwait,extreme ang lamig dito,ganun din ang summer,pag sobra init,asahan mo ngayong winter sobra ang lamig,marami akong napansin at medyo related sa lugar satin sa pinas,di ko alam kung saan papunta yung binabaybay ko,basta naaaliw ako sa lahat ng mga dinadaanan ko....

One Day- Isang araw...
Marami akong nakita na halos kapareho ng lugar satin,gaya sa Marquab city papuntang Malya city,isa sa mga nadaanan ko,,kung wala lang Arabic sign aakalain mong naglalakad ka satin mula avenida ,recto o kaya papuntang divisoria,pakiramdam ko nga may jeep na dumaan nung mga time na naglalakad ako,(teka! grabe nato naho-homesick na naman ako),eh sino ba naman ang hindi , lahat yata ng pinoy tambayan ang lugar nato.dito rin ang daan kung pupunta ka sa simbahan,yes! Meron din dito sa Malya(Kuwait city) …. sa paglalakbay kong ito,kahit iba ang kulturang ginagalawan mo,respect is the good way for communication.one day-isang araw magka-iba man ang inyong pananaw I’m sure till the end magkakaintindihan kayo.

Catholic Church

its seems i'm walking in recto,avenida!

kahit saan talaga mahilig magpauso ang pinoy!

dyaryo,magazine,komiks..galing pinas!

may SM din dito..he he he
--------------------------------------------------------------------------------------------

One Bird,Isang Ibon..marami pala!

Pasyalan din ang lugar na ito ,karamihan mga indyano ang tumatambay ,may mga ilan ding bedoiun(old tenants here in Kuwait),ang makikita mo,para kang nasa pariz o kaya nasa italy ang pakiramdam, kung mapapasyal ka dito, marami kasing kalapati (pegeoun),na alaga ng kahit na sino, maa-amo ang ibon ,madalas kasi pinapakain at mahalaga malaya sila,pero bawal silang hulihin….habang kinukuhanan ko ito naalala ko ang sinabi ng tatay ko “Pwede kang mabuhay sa gubat ng malaya di ka magugutom,kung anuman ang kinakain ng ibon pwede mong kainin”.


beautifull view

isa sa mga favorite kong tanawin !!!
---------------------------------------------------------------------------------------------
I Saw -Nakakita!!! (what!)
Kakaiba at kapansin- pansin para sakin ang sign na ito.dalawang beses kong tinitigan,pero kahit saang angulo may mali talaga,kaya naisipan kong bigyan din ng tagalog translation:


1.Bawal ang walang mukha magtrabaho

2.Pwede magtrabaho ang walang paa ,basta may sapatos

3.Bawal mag-banjie jumping ng patayo habang nagtatrabaho

4.Pwede nang magtrabaho ang walang mukha basta may salamin

5.Bawal ang walang mukha kundi magsusuot ng maskara

6.Pwede ka nang pumalakpak depende kung may cloves,pagkatapos magtrabaho

12/05/2007

Sometimes Happy time Can Make You Lonely!

video video

12/04/2007

A Boss Without a Boss

Kahapon simula ng meeting namin sa fintas garden( lugar dito sa Kuwait na itatayo ang isang branch ng mcdonalds),tinatanong ko yung sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa meeting,halos sila lang ang nagkakaintindihan,hindi, sa hindi ko alam yung trabaho ko ha.,pano ba naman puro Arabic yung binibigkas nila,tapos tatanungin ako kung naintindihan ko,stupido diba,oo ngat may alam ako sa Arabic pero sa mga malalalim na terminology na ginagamit na salita, di ko yun alam at di ko na kailangan alamin,unang una,most of the client can speak fluent English,kahit barok kang magsalita ok na ok yun as long as nagkakaintidihan kayo,going bananas(banas na banas) talaga ako sa meeting,lahat ng kausap ko puro sila engineer,puro BOSS(modir sa Arabic) sabi yun nila,pero alam nyo ba kung ano ang pinagtatalunan,isang wall na magkakabit ka lang ng marble skirting,di ko alam kung matatawa talaga ako o maiiyak sa banas..kaya di ako nagtataka kung bakit gustong gusto nila ang pinoy..subok ang pinoy sa sipag,trabaho at trabaho lang,madaling matuto pagdating sa mga technical na bagay…ok na sana yung araw ko dahil may nakausap ako.pero salita ako ng salita,tungo lang ng tungo,naubos na yung paliwanag ko,ubos narin ang laway ko sa kaka-explain saka ko lang nalaman na indonesian pala kausap ko,anak ng tipaklong na wow mali ako,mukha kasing pinoy,natapos ang meeting na blanko ang utak ko,pag balik ko pa ng office nasa lubong ko yung BOSS ko(tunay),naalala ko deadline narin ng isang peoject,kaya yun todo paspas ang ginawa ko,di nako nagbreak,kailangan eh.masaklap pa nito,nawala pa yung network, tawag ako sa I.T namin,kinadyot talaga ako ng malas..buti naihabol ko din on time..minsan tuloy naisip kong maging teaboy,o kaya mandouf(liason officer) nalang,bakit?,ikaw kasi ang BOSS, at lahat ng BOSS makakausap mo.pag teaboy ka lahat ipagtitimpla mo at wala kang deadline!,pag mandouf-ikaw ang masusunod at gagawa para asikasuhin ang information ng lahat ng BOSS..teka bakit ba ako dakdak ng dakdak tungkol sa BOSS..at kanina pa mainit ang ulo ko,hundangan kasi,habang inaayos ko yung gamit ko natabig ko at nabasag yung HUGO BOSS na pabango na kabibili ko lang nung Thursday,buti at may natirang free cap.ayan tuloy lahat ng may BOSS nadamay! Grrrrrrrrr!



shamin our teaboy




our mandouf!


akhmad (I.T. department)

12/02/2007

and i'm afraid of HI!

kahapon pagkatapos ng trabaho,naisipan
lumabas ng grupo ADHIKA grouphttp://adhikagroup.blogspot.com,kasama sina jojo(jocab),ding,dave,niel,and me(english para sosyal,he,he,he.:), akstule!,este,actually!,every month lagi naming ginagawa ang lumabas,yung lang ang pagkakataon namin para magkasamasama, although magkapareho kami ng company pero iba iba yung department namin,maraming bagay ang mga natututunan ko dito sa kuwait,at marami din ayaw ko,kaya naisipan kong gumawa ng blog..isa sa mga nakaugalian na dito ang pagbati(greetings),ang halimbawa ng kultura nila,kahit di ka kakilala,lahat bumabati sayo,ultimong pagbili mo sa bakala(sari sari store satin),babatiin ka,madalas bigkasin ang asa-lam-alaikom and you will responds as wa-alaikom-asalam.,sa kanila isang holy ang pagbati,at unholy pag di ka nagrespond..teka bat bako nag dadaldal tungkol sa pagbati(greetings),kasi naman po,sa kapwa natin pinoy dito,ewan ko ha pero di ko naman nilalahat,nawawala na yung KABAYAN ugali natin,di ko alam kung nagbabago talaga.madalas kung sino pa ang ang magkakalahi(kabayan ),ay sila pa ang mga suplado't suplada,at mataas pa ang ere,ewan ko rin kung nagiingat lang sila,pero maniwala kayot sa hindi kung sino parin ang mga nasa below lang ang trabaho sila ba ang may ere(bato bato sa langit tamaan wag magagalit)di ko na eelaborate ha..kaya minsan ako mismo nagdadalawang isip kung bibigkasin ko pa ang KAMUSTA!..o sya, sya!,maka pag-bate na nga lang (greetings ha)...



nadaanan namin ang liberation tower ng kuwait papunta sa malya(kuwait city)kinunan ko on the road.every month of feb.25,they celebrate independence and liberation day,after iraq invaded this land.

12/01/2007

Fish Be With You!




every month,madalas akong pumupunta sa fish market d2 sa kuwait,ewan ko ba ito lang ata ang nakita kong palengke ng isda na bawal ang smoking(mali ata ang bigkas ko),pero sa loob ng mall pwede,werdo noh!..pero isa ang souk sharq(fish market),na madalas puntahan ng mga tao dito,may kaya man o wala,una fresh ang fish mula sa likod dagat ng lugar,yes and oh yes! malaki ang lugar na ito,aircondition ang loob at sliding door ang entry(he he he)kaya pag pasok mo amoy isda ka at pag labas mo amoy bilasa kana(pero mag eenjoy ka sa kakaikot),kung susumahin kasing laki ito ng buong ground floor ng farmers dyan sa cubao.at syempre napakamura ng isda,name all! tuna,king fish,shrimp,crab,etc.pati pating mabenta.yung iba wala sa pinas na isda at dito ko lang nakita..pero sa arabic kuwait term ang tawag nila sa fish-isda satin,sa kanila SAMAK..eniwey! ang masasabi ko na lang ay FISH BE WITH YOU!
maliit pa ang isda nato kumpara sa iba!!!

king fish, umabot ng 11kg.,5kd lang pero natawaran ng 3.5kd(sa peso mga 530pesos).sobra sobra na para sa isang buwang pagkain.inihaw,sinigang,prito,fish fillet,kahit anong luto pwede,pero the best din itong kilawin..

hammer head na pating(mabenta rin dito),kaya lang di ako kumakain,pero most of the kuwaitis gusto nila to,kasi yung oil nito nagpapalakas ng katawan sabi nila.